Chapter 16 -Ella Mhay- Pagkatapos naming mag-usap ni Carol sa rooftop ay umuwi na ako dahil sa nakakaramdam na rin ako ng pagod at pagkainip na hindi ko maintindihan. Iniwan ko itong tulog sa loob ng kuwarto nito at alam kong nalasing din ito dahil sa meron din itong mga pinag-dadaanan. Nakaalis ako ng hospital na wala ring nakakapansin sa akin, may daanan din sa likod kaya naman doon na rin ako madalas dumaan ng sa ganoon ay walang makakita sa akin na mga kasamahan kong nurse dahil siguradong ako naman ang magiging issue na kanilang usapan. Naglalakad ako papauwi ng mapansin ko si Milo na nakatayo sa may tapat ng bahay naming at mukhang ako ang hinahanap nito. “Milo” Tawag ko dito. Lumingon ito sa akin pero makikita dito ang labis na pag-aalala, kaya napatingin ko dito na parang nagt

