"Ate... gusto mo si kuya Axel 'no?" nakangiting tanong ni John sa kaniyang ate Dianna. Luminga - linga sa paligid si Dianna. Hinanap ng mata niya si Axel. "Shhh! Huwag kang maingay. Ayoko na malaman niyang gusto ko siya. Baka magalit siya sa akin." "Ha? At bakit naman siya magagalit? Hindi naman siguro. Ang bait niya, ate 'no? Sa kaniya pala natin mararanasan ang mga bagay na ito. Kaya dapat ate mahalin ka niya! Para maging parte na siya ng pamilya natin!" Lumabi si Dianna. "Hindi ko nga alam kung paano ko gagawin iyon. Wala naman kasing espesyal sa akin. At saka nalaman ko pang maraming babaeng magaganda sa lugar kung saan siya nakatira. Kaya sa tingin ko, madali niya lang akong malilimutan kung sakaling hindi ko masungkit ang puso niya." "Ano naman kung marami sila? Bukod tangi ka na

