Caroline's Point Of View! Naisipan kong surpresahin si Daxen. Ewan ko, pero parang napaka-special ng araw na ito para sa akin. Dumaan ako ng supermarket upang mamili ng cake at Ingredients para mga lulutuin ko. "Don't worry, baby. I know na matutuwa si Daddy mo kapag nalaman niya na buntis si mommy," magiliw kong kausap sa baby kong sa ultrasound ko pa lang nakita. Naglakad-lakad pa ako hanggang sa napunta na ako sa meat section. I never do this before. Ngayon pa lang. At ngayon pa lang din ako nakatapak sa supermarket para bumili ng steak na lulutuin ko dahil gusto kong maging special ang araw na ito para sa aming dalawa. "Caroline?" I think I heard Lucas voice kaya lumingon ako sa may likuran ko. And it's him nga, Lucas. "Oh, Hi, Lucas!" Masayang bati ko sa kanya. "What are

