COLLONIEL POV.
Kinabukasan ay maaga parin ako nagising. Wala namang bago umaga ko dahil gaya dati ay ako lang ang nag asikaso sa sarili ko. May kasambahay naman kami pero may sarili naman akong kamay at paa kaya hindi na ako nahingi ng tulong sa kanila.
Nandito na ako sa school at naglalakad papuntang library dahil may hihiramin akong libro para sa isa sa mga subject ko. Nang makarating ako sa library ay hinanap ko na ang librong kailangan ko. Nang mahanap ko ito ay tinignan ko ang oras sa relo ko at maaga pa naman kaya dito ko na sisimulang basahin.
Naghanap ako ng bakanteng upuan at umupo pagkatapos ay binuklat ko ang libro. Nagbabasa lang ako ng maramdaman kong may umupo sa harap ko. Tinignan ko ito at nakita si steve. "busy ha!" sabi nito sa akin pero tinawanan ko lang. "kailangan, para sa grades ko to ehh" sabi ko dito.
Nagpatuloy ako sa pagbabasa at sya naman ay nakaupo lang sa harap ko "wala ka bang gagawin mamayang lunch?" tanong nito sa akin. Inisip ko muna kung may gagawin nga ba ako mamaya "hmm, wala naman. Bakit?" tanong ko dito. Ngumiti ito ng malawak "sama ka sa akin, lunch tayo kasama barkada ko" sabi nito kaya napangiti ako ng malawak "talaga!!" hindi ko napigilan na mapasigaw kaya sinuway kami ng librarian.
"talaga! Isasama mo ako sa lunch nyo?" mahina kong sabi dito pero hindi parin nawawala ang ngiti. Pagkakataon ko na to noh!! Makakasama ko si liam sa lunch pag nagkataon! "oo! Ano payag ka?" tanong nito sa akin. Dali dali akong tumango "syempre naman! Basta tabi kami ni liam huh!!" sigaw ko uli kaya nasaway uli kami ng librarian. "kung mag iingay lang kayo, lumabas na lang kayo!" inis na sabi ng librarian. Heheheh.
Sinara ko na ang libro at naglakad papuntang librarian. Pinakita ko ang hihiramin kong libro at sinulat ang pangalan ko sa kanyang record. Lumabas na kami ni steve sa library at hindi mawala ang ngiti sa labi ko. "psh, akala ko pa naman ay kaya ka masaya sa lunch natin ay dahil kasama mo ako yun pala ay makakasama mo si liam" birong sabi ni steve kaya tinawanan ko sya.
"syempre kasama din yun pero mas masaya ako kase makakasabay ko narin si liam mag lunch!!" nakangiti kong sabi dito. Para na akong baliw dahil sa patuloy ako sa pagngiti hanggang sa makarating kami ni steve sa room ko. Hinatid nya kasi ako.
Nang nasa tapat na kami ng room ko ay humarap ako sa kanya "sige na, pumunta ka na sa room mo. Basta yung sinabi mo kanina huh!" sabi ko dito na tinanguan nya "oo! Susunduin nalang kita mamaya, alis na ako bye" naglakad na sya papalayo sa room ko kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad papuntang upuan ko.
Hinanap ng paningin ko si liam at nakita na nakaupo habang nakatingin sa akin ng masama. Ano? Bakit ang sama ng tingin nya? Wala naman akong ginawang masama huh!
Nang makita nyang nakatingin ako sa kanya ay inalis nya ang tingin sa akin. Naglakad ako sa papunta sa upuan na katabi nya. Buti at walang nakaupo dito!. "good day liam!!" ngiting sabi ko dito. Inismiran ako nito "anong maganda sa araw kung ikaw ang makikita" sabi nito pero tinawanan ko lang.
Umupo na ako at tumingin na sa harap dahil pumasok na ang prof namin at nagsisimula ng magturo.
~~•~~
Tumunog ang bell na ibig sabihin ay lunch na. I'm so excited!! Nagsilabasan na ang mga kaklase ko at lumabas na rin ako. Nakita ko si steve na nakatayo sa labas ng room at hinihintay na ako. Lumapit ako dito "lets go!!" sabi ko dito. Napailing nalang ito at senenyasan ako na wait lang. Napakunot ang noo ko "may hinihintay ka pa?" tanong ko rito. Tumango ito "oo si liam, nagbanyo pa saglit ehh" sabi nito sa akin.
Maya maya ay dumating na si liam at kumunot ang noo ng makitang kasama ako ni steve "bakit kasama sya?" tanong nito kay steve. Ngumiti ako at ako na ang sumagot sa tanong nya kay steve "hehheh inimbitahan nya kase Ako" sabi ko dito. He just tsked to me at nagpatuloy sa paglalakad papuntang cafeteria.
Sumunod kami ni steve sa kanya papuntang cafeteria. Bawat estudyante na binabate si liam ay binabate nya rin pabalik. Ang unfair talaga ni liam!! Pero ayos lang, at least makakasama ko sya ngayon sa lunch!
Nakarating kami ng cafeteria at tinungo namin ang pwesto nila. Nandoon na ang dalawa pang kaibigan nina liam at steve. Sila ay sina marion at alvin. "hello!!" bati ko sa kanila. Syempre dapat good profile ang meron ako sa kaibigan ni liam para kapag naging kami na ay walang tututol!
Bumati rin sila pabalik sa akin. Umupo si liam sa banteng upuan kaya umupo rin ako sa tabi nito na bakante rin. Narinig kong nagtawanan ang mga kaibigan ni liam pero hindi ko nalang tinanong kung bakit. "kaming tatlo na ang oorder" sabi nina steve, Marion at alvin. Pumayag na ako para makasama ko si liam mag isa.
Sinabi ko sa kanila ang gusto ko at ganon din si liam. Naglakad na silang tatlo papunta sa inoorderan. Kinapit ko ang kamay ko sa siko ni liam pero inaalis lang nya. "hhmmpphh!" sabi ko nalang at nag pout. Nakita kong napangiti ito habang nakatingin sa may bandang pinto ng cafeteria "angela!!" pagkasabi nya noon ay parang umangat ang dugo ko sa ulo ko. Si angela nanaman!?. Naglakad dito si angela at napahinto ng makita nitong masama ang tingin ko sa kanya.
"halika dito angela" nakangiting sabi ni liam kaya lumapit si angela. "sumabay kana sa amin para naman may matino akong makausap" sabi ni liam kay angela. Anong tingin nya sa akin? Hindi matino? Tinignan ko ng masama si angela "w-wag na po kuya, may k-kasama rin kasi ako ehh" nauutal na sabi ni angela. Kumunot ang noo ni liam "huh? Sino?" tanong nito.
Napalunok si angela. Subukan mo lang talaga angela!! "y-yung kaklase ko kuya, tama yung kaklase ko" sabi ni angela at naglakad ng mabilis papaalis ng cafeteria. Napangisi ako dahil sa nangyari. Tinignan ako ng masama ni liam. Tumayo sya at hinila ako papalabas ng cafeteria. "a-aray ko liam!, ansakit ng paghila mo!" sigaw ko dito. Naluluha na ako dahil sa hapdi. "shut up will you!!" sigaw nya sa akin at halata sa boses nya na galit na sya.
Nakarating kami sa garden ng school. Pabalang nya akong binitawan kaya napadaing ako "b-bakit mo ba ako hinila huh!?" hindi ko napigilan na sigawan sya. Yes gusto ko sya! Pero ansakit kaya ng ginawa nya! Napatingin ako sa kamay ko na hinila nya at nakitang namumula ito. "look what you did? Namaga tuloy ang kamay ko" sabi ko dito habang pinapakita ang kamay ko na namamaga.
"bakit ganyan ka huh?!" sigaw na tanong nito sa akin. Napahinto ako dahil sa sinabi nya. "w-what do you mean?" tanong ko dito. "like that!, bakit ansama sama mo?" tanong nito. A-ano? Ansama sama ko?
"at paano mo naman nasabing masama ako?" tanong ko dito. "because you always treat angela badly!!" sigaw nito sa akin. Napasinghap ako. "dahil sya nalang lagi ang kinakausap mo! Paano naman ako?!, ako na laging nagpaparamdam sayo na gusto kita pero binabalewala mo lang!!" hindi ko na natiis at tumulo na ang luha ko.
Sarcastic syang tumawa "dahil lang doon!?... I can't believe you!" sigaw nito sa akin. Huminga ako ng malalim at nagsalita "I did this because I love you!! Can you just love me back?!" sigaw ko dito. Patuloy na rumaragasa ang luha sa mga mata ko.
Nakita kong nagulat sya sa sinabi ko pero sandali lang iyon. "how can I love you back when you always acting like that attitude of yours!!"sigaw nito na nagpahinto sa akin. A-acting like what attitude?
"if changing my attitude means loving me, then i am willing to change!!" sabi ko dito. Napahagulgol na ako.
"huh! You're really desperate and I don't like a desperate girl!" pagkatapos nyang sabihin iyon ay iniwan nya ako. Nakatayo lang ako dito sa garden habang patuloy na rumaragasa ang mga luha ko hanggang sa himatayin ako.