CHAPTER 7

1621 Words
Kasalukuyan akong nakahalumbaba habang nakatingin sa guro namin na nagtuturo. It's all about kingdom, at tungkol sa etiquette and I must say it's boring. Kaunti lang kaming nandito dahil puro mga babae lang kami at mga princess lang ang mga nandito. Mabibilang sa kamay kung ilan lang kami dahil kakaunti lang naman ang princesses dito sa loob ng kwartong ito. "Hangang dito muna ang ating tatalakayin mga prinsesa. Bukas, maghanda sa maikling pasususlit natin." Sabi nito at siya pa mismo ang yumuko at nagpasalamat saamin. Iba ang trato nila sa mga prinsepe at prinsesa rito. Kaya hindi na ako nagtataka kung may mga ibang matataas na rank dito na masyadong inaabuso ang kapangyarihan niya. Isa na diyan ang Prinsepeng ubod ng yabang sa sarili akala mo kung sinong hari. Although magiging hari naman na talaga siya. Grrrrrrr. "Anong gusto niyong gawin natin ngayon? Mahaba-haba rin ang bakante natin ." Biglang sabi ni Ervina, hindi namalayan nandito na siya sa tabi ko. "Alam ko na! manuod na lang tayo ng insayo ng mga prinsepe ngayon. Satingin ko makikisama rin si Prinsepe Ervis doon." Sabi naman ni Lorrena "Baka naman si Prinsepe Vindict ang aabangan mo doon?" tukso naman nitong si Ervina kay Lorrena na siya ikinamula nito. Siya ang pinaka maputi saaming tatlo. "Wag kang maingay baka may makarinig sayo." Sita nito kay Ervina at tumingin sa paligid kong may nakarinig pero walang mga ibang prinsesa dito. "Paano naman si Prinsepe Zerio nandoon rin siya? Hindi mo rin ba siya panunuorin?" Tukso ko naman sakanya niya siyang ikinalaki ng mata nito. Natawa naman kaming dalawa ni Ervina dahil malaki ang pagkasuklam nito sa prinsepe kagaya ko kay Ervis. "Magtigil ka nga rin Tiara! Isa ka pa.. Wag mong babangitin yung halimaw na iyon." Sabi at umirap saamin na siyang ikinatawa naman namin. Siya kasi ang mapapangasawa ni Lorrena samantalang si Ervina naman ay si Prinsepe Harris. Naglalakad naman kami sa hallway ng madaanan namin ang grupo nila Erin. Half sister ko raw, kasama nito ang mga anak mga dutches. Umirap pa ito nang makita ako kaya ibinalik ko ang ginawa niya akala niya hindi ako lalaban sakanya. Akala mo kung sino siyang prinsesa. "Alam mo Tiara, ayoko ko talaga ang ugali niya." Tukoy nito kay Erin. Duh! Sino naman kayang may gusto sa ugali niya for sure kaya nilalapitan lang siya ng mga dukesa(dutches) dahil mataas siya. Mga social climber. "Bakit sino bang may gusto sa ugali?" Nasabi ko lang na biglang ikinatahimik nilang dalawa. Kaya naman napatingin ako. "Bakit?" "Hangang ngayon hindi pa rin kami makapaniwala sa mga sinasabi mong yan. Dati rati ipinagtatangol mo pa siya na, baka magbabago rin siya. Pero ngayon hanga na talaga kami sayo." Sabi ni Lorrena, Natahimik naman ako ganun ba talaga ako kabait? Bakit parang hindi ko maramdaman yun. Pagkarating namin sa isang Arena nakita nanamin lahat ng mga kalalakihan na mukhang kanina pa sila nag-iinsayo kanya-kanya sila ng ginagawa. Umupo naman kami sa kung saan mas makikita namin silang maglaro and yes ito ang laro nila. Hindi pangkaraniwang laro talaga dahil mukhang seryoso sila, wala silang pakialam kung nagkakasakit na sila dahil sa mga espadang gamit nila. Pero may isang tao pumukaw nang tingin ko talaga seryoso lang ito habang nakikipaglaban wala pa itong sugat sa ano mang bahagi ng katawan niya pero ang kalaban nito ay marami ng tama dahil sakanya. "Alam mo bang hindi pwedeng tumigil ang kalaban ni Prinsepe Ervis hanga't hindi ito nadadaplisan." Napatingin naman ako kay Lorenna na siyang nagsalita sa tabi ko. Hindi ko alam kung anong sinasabi nito. "Pero pwede silang tumigil kung sinabi niya at yun ay kung naghihingalo na ang kalaban nito." Dagdag pa nito. Hindi naman ako umimik sa sinabi nito pero napatingin ako sa kalaban ni Ervis at mukhang malaki ang pakakapuro na nito sa bandang tagiliran niya pero hindi pa rin tumitigil ang kalaban niya. "Hindi kaya masyado na niyang penipersonal yan. Kung iisipin pag-iinsayo lang dapat yan." Nasabi ko naman sakanila, hindi ko mapigilang mag-alala sa kalaban nito dahil halatang hindi na nito kaya pang lumaban pero pinilit pa rin niya dahil hindi pa tumitigil si Ervis. "Oo... pero isa kasi yan sa mga kailangan nilang matutunan. Kahit ikamatay nila kailangan pa ring nilang lumaban." So nakataya talaga ang pride nila dito dapat hindi sila naawa sa mga kalaban nila. Napatayo naman ako nang makita kung pinatamaan muli ni Ervis ang kabilang tagiliran ng kalaban at halos mamatay na ito dahil nakahiga na ito at punong-puno nang dugo ito at mukhang balak pa niya itong tuluyan na. "Tama na!!!!" Sigaw kung bigla, kaya biglang tumahimik ang lahat pati na rin lahat nang nag-iisayo ay napatigil sa ginagawa nila at napatingin sa gawi ko. Napatingin rin si Prinsepe Ervis saakin hindi ko alam kung anong iniisip nito pero seryoso lang itong nakatingin at binabasa siguro nito ang iniisip ko. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa mga titig niya sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Naramdaman ko namang may humawak nang kamay ko . "Tiara, anong ba satingin mong ginagawa mo." Bulong ni Lorrena saakin, napakagat naman ako ng ibabang labi ko dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Lalo pa at hindi ko maialis ang tingin ko kay Prinsepe Ervis. "Mabuti pa umalis na tayo. Nakakahiya na ang ginawa mo Tiara." Bigla naman nila akong hinilang dalawa kaya naalis na ang tingin ko sakanya. Habang naglalakad kami hindi ko pa rin maalis ang nangyari parang ako yung nasa kinatatayuhan ng lalaking kalaban niya kanina. "Bakit ginawa mo iyon? Dapat hindi ka nakikialam sa mga ganung bagay, dahil normal lang iyon na nangyayari. Alam mo namang hindi tutuluyan yun ni Prinsepe Ervis. Dati-rati naman hindi ka ganun ni wala ka ngang pakialam kung magpatayan na sila ngayon parang unang beses mo lang makasaksi ng ganun." "Hindi ko rin alam kung bakit nasabi ko rin yun." Mukhang patay na talaga ako ngayon sa kanya. Sinabi pa nila Ervina saakin na ayaw-ayaw raw nito may gumugulo sakanya lalo na kung nakikipaglaban ito. "Tiyak ikaw ang pag-uusapan matapos ang ginawa mo. Marami pa namang nakasaksi ng nangyari." Babala naman ni Ervina saakin hindi ko na lang ito pinansin pa. Dahil nahalata kong mukhang parati na akong na iissue ngasyon. Hindi naman raw ako ganun dati, normal lang ang pagkakakilala raw nila at nandun pa rin ang respeto sa mga nakakataas sakanila. Pero ngayon mukhang baba ang tingin nila saakin. ********************************************************************** "Mukhang malalim ang iniisip ng prinsepe natin ngayon dahil sa ginawa ng mapapangasawa niya." Rinig kong sabi ni Zerio, tinignan ko lang ito ng masama na siyang ikinatuwa nito. Hindi ko alam pero may kakaiba pa rin akong nararamdamang kakaiiba sa prinsesang iyon. "Mukhang mahina rin ang sistema ng iyong prinsesa sa mga ganuong mga bagay Mahal na Prinsepe. Dapat maturuan siyang maging matatag sa mga ganung bagay lalo na at mamatay tao talaga ang mapapangasawa niya at walang awa, hahahahahahaha." Sigunda naman nitong si Vindrict at nagtawanan silang lahat maliban saakin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi nito pero sa ibang dako gusto kong isaksak rin ang ginamit kung espada kanina sa aking kalaban. "Tapos ka na? Gusto mong ituloy ko ang ginagawa ko sa kalaban ko kanina?" Seryosong sabi ko dito. Tumawa naman ito dahil reaksyon ko. "Tama na yan, Baka magkasakitan na talaga kayo niyan." Paawat naman ni Renzo. Tumayo naman ako para umalis hindi ko naman malaman kung saan ako magpupunta ngayon. Napag-isipan kong umakyat na lang sa pinakatutok nitong palasyon ito. Habang patuloy sa paglalakad papuntang sa aking patutunguhan. Hindi ko alam pero kung namamalikmata lamang ako dahil nakita kong may paakyat rin sa aking pupuntahan. Kaya sinundan ko na lamang ito. Nakatalikod lamang ito habang nakatanaw sa buong palasyo. Hindi nito napansin na may kasama na pala ito kahit papalapit na ako. "I want to back my memories already." May ginamit itong ibang lingwahe hindi ko maiintidihan at patuloy lang nitong kinakausap ang sarili. Pumunta naman ako sa kabilang riles kaya nagulat ito ng makita ako. "Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?" Napataas naman ang dalawang kilay ko sa sinabi nito. Hindi ko alam na ganito pala kagaspang ang ugali ng prinsesang ito. "Ano ang iyong sinasabi kani-kanina lamang? Saan mo natutunan ang ganung lingwahe? Ang alam ko wala naman nang itunuturo na ganung lingwahe dahil iisa lamang ang linguwaheng itinuro rito." Nagdududang tanong ko sakanya. Nakita ko namang umirap ito ng harap-harapan saakin na parang hindi itirisado sa tanong ko. Kung mga ibang babae siguro natatakot na kausapin ako pero ang isang ito wala akong nararamdamang takot sa kanya dahil harapan pa nitong ipinapakita ang magaspang nitong ugali. Talaga nga bang ito ang mapapangawang sinasabi nila. Maraming nagsasabing maganda raw ang ugali nito at napaka mmasunurin kaya hindi ako nag-alalang siya nga ang papangasawa ko. Dahil kung siya man ang mapapangawa ko tiyak na magiging sunod-sunuran ko siya at hindi siya titiwalig sa aking mga kagustuhan, Pero ngayon mukhang iba na. "Alam mo naman siguro na ang nangyari saakin, hindi ba mahal na prinsepe. Wala akong malala kaya hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga salitang lumalabas sa bibig ko." May sarkasmong sabi nito at hindi na muling humarap saakin nakatanaw lamang ito sa ibang bahagi. Pinag-aaralan ko naman ang bawat galaw niya nang may maalala ako. "Kung hindi ko siguro alam na nawala ang iyong memorya, pag-iisipan kong galing ka sa ibang mundo." Hindi ko malaman pero nang makita ko ito para itong nanigas sa kinatatayuhan nito pero hindi lang ito umimik sa sinabi ko. "Tama,tama, tama..." sabi lang nito na hindi ko maintindihan. Umiling-iling na lamang ako masama nga ang pagkakabagot nito sa ulo. Umalis naman na ito kaya ko na lamang pinansin pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD