Nasa kwarto naman na ako tapos na kaming maghapunan lahat at kailangan nanaming matulog dahil may klase pa kami bukas. Pero hindi parin maalis sa isip ko yung sinabi ni Ervis kanina, paano nga kung hindi naman talaga ako taga rito. Pero kilala naman nila ako lahat at may protrait pa ako sa loob ng palasyo kaya hindi ko talaga maintindihan. But I feel that I'm belong in here, may mga panaginip rin ako na hindi familiar saakin pero parang kilala ko ang mga kausap ko. Hindi ko alam kung isa yun sa mga alala ko or what.
At isa pa itong pananalita ko I feel that I can speak fluently with this language at para nakasanayan ko ng magsalita ng ganito. Kaya hindi ako sanay tuwing kinakausap nila ako hindi ako familiar na mga language at malalalim pa.
'tama kailangan kong makaisip na ng paaraan para matuklasan ko ang pagkatao kong to, hindi ko hihintayin kung maibabalik uli ang memories ko baka ilang taon pa ang abutin or worst baka hindi na nga dahil hindi raw alam ng manggagamot kung kailan ako makaka-alala uli.'
Maraming tanong ang gusto kong itanong pero kahit mga nasa paligid ko ay wala rin akong makuhang sagot ang Inang Reyna ay wala ring alam. Kumuha ako ng robe sa closet ko hindi ko alam pero gusto kong maglakadlakad kahit alam kung madilim na. May mga kawal namang nagbabantay sa labas tinanong nila ako kung saan ako pupunta pero sinabi ko lang na may kukunin ako sa library. Pero saan nga ba ako pupunta ngayon? Pumunta kaya ako sa tuktok ng tore uli. Tama mas maganda doon. Hindi na ako nag-abala pang kumuha ng lampara dahil nakikita ko pa naman ang nilalakaran dahil sa mga nagkalat na mga ilaw at ang buwan na rin sa labas.
"Alright, this what you call fresh air." At pumikit ako habang nakahawak sa reles dito sa may tore. Nilalasap ko ang sariwang hangin inisip ko na matatapos rin ang lahat ng ito.
"Mukhang napapadalas ang prinsesa dito?" May narinig akong boses sa tabi ko kaya napabukas ang mga mata ko. Oh, not again.
"At mukhang napapadalas ka rin dito Mahal na Prinsepe." Sarcastic na sabi ko sakanya. Ngumisi lang ito saakin naiinis talaga sa attitude niyang yan. Ang hilig niyang inisin ako napapansin ko rin.
"Anong ginagawa ng isang prinsesa sa ganitong oras?" tanong naman nito.
"Eh ikaw, Anong ginagawa mo rin dito?" balik tanong ko sakanya, kaya mukhang naasar.
"Ako ang unang nagtanong kaya sagutin mo." Nagtitimping sabi nito,, Ow! Mabilis pa lang uminit ang ulo ng mayabang na prinsipeng ito. Ang sarap niya tuloy asarin.
"Yun rin ang sagot ko." Pagmamaang kong sabi sakanya at mukhang liliyab na ito dahil hindi ako matinong makausap. Marahas naman itong bumutong hininga at nakita kong napakuyom pa ang palad nito kaya medyo nag-alala ako dahil suntokin niya ako. OMG.
"tinatanong kita ng maayos, Sagutin mo ako ng malitino." Sabi nito na may diin kaya nangangamba ako hala ka diyan Ciara. Ciara? Where the hell did you get that name? "Ano sasagutin mo yung tanong ko." Hindi ko naman na pinakingan ang sinabi nito dahil iniisip ko pa rin yung nabangit kong pangalan ngayon lang bakit ko yun nasabi.
Bigla naman akong naalarma nang may narinig akong pagsarado at parang may naglalock ng pinto. Kaya napatingin kaming pareho ni Ervis sa pinanggalingan nito at tama nga ang kumperma ko dahil naisarado na ang pintuan ng tore pilit kaming sumisigaw pero wala rin kaming napala kahit katukin namin ng paulit-ulit ito. Nang mapagod kami ay naupo na lang ako sa sahig at nanahimik so dito kami magpapalipas ng gabi kasama ko itong prinsepeng mayabang. Hala, malamig na at medyo giniginaw na ako tahimik lang ako habang yakap ko ang sarili dahil nilalamig na ako.
"Tsk.. Bakit ngayon pa." narinig kong sabi nito kaya napatingin ako sakanya.
"Anong sinasabi mo diyan." Sabi ko sakanya habang yakap ko pa rin ang sarili ko.
"Tsk, Hindi mo ba alam na malapit magtagsibol,, mamaya bubuhos na ang mga nyebe at lalamig na sa paligid." Oh MY.. paano ito mafrefreezer na ako kasama ang prinsepeng ito. "Yun ang dahilan kaya pumunta ako dito para papasukin ka na sa loob dahil lalamig na at mas inuna mo yang kagaspangan ng ugali mo."
"Bakit hindi mo sinabi agad ng deresto? Kung anu-ano pang pananakot ang ginagawa mo." Inirapan ko na lang ito at yumuko dahil nilalamig na ako. Wala naman ng nagsalita pa saamin kaya sinisikap kong matulog kahit nilalamig na ako hindi ko alam na makakatulog ako ng ganito ang posisyon ko habang natutulog ako.
******************************************************************************
Nagising ako na may nakayakap sa likuran ko, nakahiga na ako sa kama dahil naramdaman ko ang malambot na hinihigaan ko kaya alam kong nasa kama na ako. Pero hindi ko matukoy bakit may nakayakap saakin napaharap naman ako para makita kung sino ang nakayakap nang malaman ko kung sino. Sisigaw nasa ako ng bigla nitong takpan ang bibig ko at iminulat nito ang mata niya kaya nakita ko na ang buong mukha niya at magsisinungaling ako kung sasabihin kong pangit ito. Pero hindi ko sasabihing magandang lalaki nga siya dahil baka lalong lumaki ang ulo niya.
"Alam kong magandang lalaki ako, pero kung susubukan mong sumigaw ngayon gawin mo. Para iisipin nilang may ginawa nga tayo rito." Sinasabi ko na nga his to full to himself. Inirapan ko na lang ito at tumayo. Napansin kong wala ako sa kwarto ko kaya alam kung sakanya ito sumilip ako sa bintana kung malakas na ba ang pagbuhos ng snow at tama nga.
"Paano tayo nakalabas sa tore?" tanong ko, di ba nailock yun sa pagkakaalam ko.
"Binuksan yung pinto malamang." Nababagot na sabi nito kaya napairap uli ako parang naalala ko lang yung ginawa ko kagabi sakanya at ibinabalik niya lang.
"Bakit nga ba naisipan kong tanungin ka pa wala ka namang kwentang kausap. Makaalis na nga." Sabi ko at akmang aalis na ako.
"Sabihin mo rin yan sa sarili mo." Binuksan ko naman ang pinto ng silid niya at lumingalinga kung may tao sa paligid. Buti na lang at medyo madilim pa sa paligid at mas nagpadilim dahil makulimlim sa labas. Nang makapasok ako sa silid ko naghubad na ako ng suot ko pero bigla akong may napansin dahil may isa pang robe na nakasuot pala saakin. Hindi ko ito napansin at alam kung hindi ito saakin itim ito at may nga desenyong dyamante sa gilid-gilid niya kaya alam ko kung kanino ito siya lang naman kasama ko kagabi. Pero ang nakapagtataka bakit niya ako pinasuot ito saakin? Psh Never mind. Makaligo na nga. Ibabalik ko na lang ito sakanya... pero paano?
Pagkarating ko sa kainan napatingin sila saakin siguro dahil late ako. Hindi ko na lang pinansin ang mga matang nakatingin saakin at taas noo pa rin ako pumunta sa mesa ng mga kaibigan ko.
"Mukhang nahuli ka nang gising mahal na prinsesa. Bakit kaya?" tanong ni Lorrena hindi na lang ako nagsalita dahil alam kung mapapahaba ang usapan namin.
"Masamang pangitain yan, alam mo ba." Sigunda naman ni Ervina "May hindi ka ba sinasabi saamin Tiara?" naalalang tanong nito kaya napatingin ito saakin.
"Pwede ba mamaya na lang natin pag-usapan. Baka maraming makarinig," bulong ko, hindi naman na uli sila nagsalita pa kaya pinatapos nila akong kumain bago kami umalis na tatlo pero bago yun sumulyap ako kay Ervis na siya nakatingin rin saakin pero ako na ang unang bumawi at sumunod sa mga kasama ko.
Dumeretso naman kami sa silid ni Ervina na siyang malapit kasi sa kainan. Kaya doon na lang namin naisipang pumunta, nakatingin lang sila saakin parang naghihintay ng sasabihin ko kaya huminga ako ng malalim.
"Wag mong subukang magsinungaling saamin Tiara." Seryosong sabi ni Ervina kaya Ikwenento ko yung nangyari kagabi hanggang kaninang umaga.
"Tama nga yung sinasabi ng mga taga silbi na lumabas ka raw sa kwarto ni Prinsepe Ervis kanina." Sabi ni Lorrena
"Hindi ko nga kasi alam na doon niya ako dinala matapos naming masarahan kagabi sa tore.:" katwiran ko at tumango naman sila saakin.
"Naniniwala na kami sa sinabi mo pero hindi pa rin maiiwasang natulog ka nga sa kwarto niya at kahit anong sabihin mo para malinis ang pangalan mo wala nang magagawa pa yun." Sabi naman Ervina
"Haist,, Wala na talagang pag-asa pa si Ruke" sabi naman ni Ervina kaya napakunot akong napatingin sakanya.
"Paano nasama dito si Ruke?" tanong ko sakanya nakita ko namang ang pagtataka sakanya ng banggitin ko ang pangalan ni Ruke.
"Kilala mo si Ruke?"
"Oo minsan ko na siyang nakausap nung mag-iisang linggo pa lang ako dito." Sagot ko sakanila. "Sinabi niyang magkaibigan raw kami kaya naniwala na ako." Napatingin naman sila sa isa't isa at umiling-iling
"Tiara, hindi lang kayo magkaibigang dalawa, higit pa roon. Kaya nag-aalala kami para sayo paano kung magkagusto ko ka kay Prinsepe Ervis at maibalik ang alala mo paano naman si Prinsepe Ruke?" Nag-aalalang sabi ni Lorrena kaya natahimik ako. Ngayon ko lang nalaman ito pero nang makita ko si Ruke dati wala naman akong maramdam. Pero di ba dapat hindi nakakalimut ang puso bakit ganito. Bakit ganito lalo akong pinapahirapan ng sitwasyon ko, para akong tanga na hinihintay kong ang susunod na mangyayari saakin at mga rebelasyon pa. Pero bigla akong may naalala.
"Kilala niyo ba kung sino si Ciara?" tanong ko sakanila baka may alam sila.
"Sino si Ciara? Hindi namin siya kilala. Bakit mo nabangit?" –Lorrena
"Hindi ko alam basta lumabas sa isip ko ng matakot ako sa banta ni Prinsipe Ervis kagabi." Sabi ko
"Mukhang isa na siguro yan sa mga senyales na may mga naaalala ka na. Pero ang nakapagtataka bakit ibang pangalan ang unang naisip mo?" –Ervina
"Hindi kaya, nanghuli kang maaksedente may kinilaman ang sinabi mo." – Lorrena. Nagkatinignan naman sila ni Ervina at nagsenyasan na hindi ko maintindihan.
"Paano kaya kung tuklasin natin ang nangyari sayo. Gusto mo ba yun?"sabi ni Ervina Mukhang excited sa mga nangyayari.
"Tama na nga yan, hayaan na lang nating maka-alala na ako." Nasabi ko sakanila pero ang totoo gusto ako lang munang tumuklas ayaw ko silang madamay.