"Nooo." Napamulat ako ng mga mata ko dahil sa masamang panaginip. It's just a nightmare napabungtung hininga na lamang ako. Tumingin naman ako sa paligid at nasa SCO pa ako, nakatulog pala ako sa may table ko.
"Gisisingin sana kita, naunahan mo na ako." lumapit si Rhianne saakin at tinignan ako.
"What?'' taas kong kilay sakanya. I want to ask her if there is something wrong with my face pero pinigilan ko na ang bibig ko na magsalita. Makauwi na nga lang.
"Why are you crying?'' nagtatakang tanong nito. Me? crying? hinawakan ko naman ang mukha ko at tama nga ito. Siguro dala na rin ng napanaginipan kanina, hindi ko maalala kanina pero hindi ko na matatandaan ayoko na rin pang maalala.
"It's Nothing." At pinusan ang magkabilang mata ko.
"Liar, OMG! Ngayon lang kita nakitang may luha. It gives me great pleasure to see you cry." I shrug at what she said and then fix my things.
"Alam mo Ok lang yan iiyak mo lang yan Ciara, kung may mga nararamdaman ka at alam mong hindi mo na kaya minsan ibuhus mo rin yan sa pamamagitan ng pag-iyak. Actually, crying does not indicate that you are weak sila pa nga yung matatapang dahil kaya nilang ilabas yung nararamdaman nila." Napakunot naman ako ng noo dahil sa sinasabi niya. That is right, but that is not the reason I am in tears.
"What do you mean?'' nalilitong saad ko.
"Gusto ko ilabas mo yung mga hinanakit mo. ok lang yan hindi naman kita tatawanan."
"Anong ilalabas ko?"nagugulahang sabi ko, sa hindi ko naman talaga alam ang pinagsasabi niya. minsan ko na rin siya maintindihan parang ang iliterate ako pag kasama ko siya minsan dahil hindi mabasa yung mga nasa isip niya.
"Hayst ang kulit, Don't lie any longer; after all, we are best friends. You can cry on my shoulder. kung may mga hinanakit ka sabihin mo saakin. wag mong kimkimin."
"Hindi kita maintindihan? bakit ba sinasabi mo yan. wala akong problema ok." naiinis na ako dahil paulit-ulit na niyang lesteng hinanakit na yan.
"Ba't ka umiiyak?'
"It's just nothing, baka tumulo yung pawis sa noo ko." pag-aalibi ko alangan naman sasabihin ko yung napanaginap ko yung iniyakan ko di tatawa nanaman siya at ikatutuwa lalo yun.
"Duh! nasa office tayo at nakabukas ang aircon." taas kilay naman nito.
"Remember naka hilig yung kamay ko sa noo habang natutulog sa desk ko." balik na sabi ko sakanya alam kong hindi rin siya magpapatalo
"Ah! basta hindi ako kumbinsido sa rason mo. ok na lang ako dahil hindi naman ako mananalo sayo. sabay na tayong pumunta ng parking lot masyado ng madilim sa hallway." dala-dala naman niya na ang handbag niya at ilang paper works. kinuha ko na rin yung handbag ko at tumayo na tinignan ko muna kung may nakalimutan ako pero chineck ko naman at wala naman.
"tatawagan na uli kita pag natapos ko na yung sketch na ginagawa ko at kung iaapproved mo.'' tumango naman ako at pumasok na sa loob ng kotse ko magkatabi lang kami ng parking nag wave naman ito saakin bago pumasok rin ng kotse niya at nauna na siyang umalis. Aalis na sana ako kaso biglang may tumawag kaya sinagot ko ito.
"Hello, Ciara's speaking."
"....." nagtataka naman ako ng walang sumasagot na other line kaya inulit ko ulit yung sinabi ko. pero ganun pa rin kaya baka hindi niya ako naririnig dahil walang signal. kaya pinatay ko na lang.
"Baka Wrong number." nasabi ko na lang sa sarili ko kaya, pinaandar ko na yung kotse ko at umalis na. Habang nagmamaneho biglang may tumawag nanaman kay tinan ko na ang i.d caller and it's mom.
"Mom, Why?"
"Anong why ka diyan, nasan ka na? kanina pa ako nasa bahay wala ka parin it's already 8pm. wala naman kayong lakad ng barkada mo ngayon di ba.. baka nandiyan ka nanaman sa office niyo, anak naman wag mo munang iprepressure yang sarili mo. Iyan na nga bang sinasabi ko kaya ayaw kitang maging presidente ng school niyo eh!." napangiti na lang ako sa inasal ni mom. dahil siya palang ang kilala kong nanay na ganito instead na matuwa siya dahil seryoso ako sa ginagawa ko at pinapahalagahan ko ang trabaho lalo pa siyang nagagalit.
"Mom relax, I'm on my way..nagdradrive ako mamaya na po kayo tumawag baka mabangga pa ako."
"Ok! ingat ka.. at lagot ka saakin pag dating mo dito bye love you."
"Ok! love you too." then turn off the call, pero maya-maya may tumawag nanaman kaya bumuntong hininga na lang ako ang kulit talaga.
"Mom, di ba sabi ko mamaya ka na tumawag...''
"ciara." napatigil naman ako dahil hindi boses ni mom ang narinig ko.
"Who are you?"
"I am your shadow." sabi nito kaya kinilabutan ako sa sinabi nito dahil nakakatakot.
"I'm not in the mood to listen to your joke; bye!"." ibaba ko na sana pero napatigil ako ng magsalita muli ito.
"Pag-ibinaba mo ito magsisi ka." pagbabanta pa nito. Ako pa talaga ang tinatakot niya.
"Sino ka ba talaga? hindi ako nakikipag lukohan sayo. wala akong oras sa mga katulad mo!"
"I told you I'm your shadow, I'm always at your back." sabi nito at feeling ko ay nakanngiti ito ng nakakatakot. napatingin naman ako sa rearview mirror ko at nakita ko ang isang itim na kotse na nakasunod saakin pero inalis ko ang paghihinala ko baka kasabayan ko lang ito.
"See, I told you I'm at your back."
"Sino ka ba? kung sino ka man wag ka ng tatawag!!" pinatay ko na ang caller pero maya-maya ay tumawag uli ito pero hindi ko sinagot. Nakita ko naman sa likod na hindi man lang lumiliko ang itim na sasakyan at para bang sinusudan pa rin ako kahit san ako pumunta. tumawag uli ito kaya sinagot ko uli.
"Pwede ba lubayan mo na ako. Get lost!!."
"No, honey, that would never happen because wherever you go, I'm always there, always watching you."
"Argh! Go to hell!!!! you bastard."
"I'll make sure I drag you there as well, because even death can't separate us." His crazy, narinig ko pang tumawa ito ng nakakatakot. Pinatay ko na lang ang tawag at nagmaneho ng mabilis lumiko ako para maiwala ko siya, pero nakita kong sumusunod pa rin ito kaya binilisan ko pa lalo ang takbo ng sasakyan.
"You idiot, I'm wiser and smarter than you." nasabi ko na lang sa sarili ko at niliko ko muli ang kotse ko, hindi ko alam kong nasan na ako hindi na masyadong familliar ang lugar na ito at dahil gusto ko silang iwala mukhang ako pa ata ang nawawala. tumingin uli ako sa rearview ko at nakita kong dalawang itim na sasakyan na ang sumusunod na saakin.
"I'm f*ck up." kinuha ko naman ang cellphone ko para humingi ng tulong kaso nakita kong walang signal dito kaya alam kong malayo na ako sa city.
"Ciara Victoria you need to think, wag kang magpapadala sa takot mo sa mga masasamang tao na yan." tumingin-tingin ako sa paligid ko at puro talahiban na ang nakikita. Masyadong tahimik at sasakyan ko lamang ang naririnig na tunog pati na rin ang kotseng sumusunod saakin.
May nakita naman akong mga puno kaya iniliko ang sasakyan at dumersto doon baka makahanap ako ng tulong kaso nakita ko sa gas tank ko na malapit ng maubusan, bigla naman itong tumigil at namatay ang makina nito. Napahampas na lang ako sa manebala at tumingin sa likuran ko nakita ko namang paparating na ang dalawang sasakyan kaya mabilis na lumabas ako ng sasakyan at iniwan ito dala ko naman ang cellphone para makita ang daan pero pintay ko na rin baka lalo pa nila akong makita.
Maliwanag naman ang buwan kaya nakikita ko pa ang dinaraan ko, isinan tabi ko ang takot ko sa loob ng kagubatan na ito kung meron mang wild animals dito mas gugustuhin ko pang kainin na lang nila ako kesa mahuli ako ng masasamang tao na yun. Narinig ko namang paparating na sila at nagsisihan pa sila.
"wag kayong titigil haga't hindi niyo siya nakikita!!" galit na sabi ng isa.
"Kasalan niyo ito kung bakit nawala siya sa paningin ko mga inutil kayo ang dami-dami niyo hindi niyo man lang naabutan, mga hangal na tauhan.!!!!"
"Hahanapin ho namin boss."
"Dapat lang T*nga dahil kung hindi niyo siya nakita, papatayin ko kayo isa-isa!!" nagtago naman ako sa isa sa mga puno para hindi ako makita dahil may dala silang mga malalaking flashlight. Tumingin naman ako sa paligid kung nandiyan pa sila at nung nakaalis na sila. Saka kumabila ako ng dereksyon, hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil hindi ko na rin alam kung saan ang papalabas, ito ang isa sa kahinaan ko sa isang place.
Naglakad-lakad naman ako at may nakita akong karatula sa itaas para itong gate at nakabukas lang ito nabuhayan naman ako ng loob baka may bahay dito. Papasok na sana ako ng gate ng narinig ko sa likuran ko ang mga lalaki na humahabol saakin.
"Ayun siya!!!" sabi ng isa, mabilis na pumasok na ako sa gate at tumakbo dahil baka mahabol nila ako. Tumingin ulit ako sa likuran ko at hindi ko nakitang may sumusunod saakin kaya napakunot ang noo ko. Lakad takbo ang ginawa ko at baka mahabol nila ako.
Hindi ko inaasahan na nadulas ako kaya nagtuloy-tuloy ako pababa, naramdaman kong nauntog ang ulo ko sa isang bato at nagtuloy-tuloy pa rin ako pagbaba hindi ko alam kung gaano kalalim ang hinulugan ko pero masakit na rin ang ulo ko dahil sa bato na tumama sakin kanina. Namalayan ko na lang napalitigil na ako sa pagbagsak at ang huli ko ng nadaramdaman ay malamig at basa? Nasa tubig na ako, ipinikit ko na ang aking mga mata dahil sa pagod. Ito na bang katapusan ko? Sorry, Mommy.
...........
..........
BINUKSAN ko nang dahang-dahan ang mga mata ko at ipinikit ko rin agad ito dahil sa sinag ng araw na tumama sakin. Umupo ako pero nakapikit pa rin ang mga mata inaadjust ko dahil sa sinag ng araw.
"Mahal na prinsesa, mahiga mo na kayo hindi pa magaling ang inyong mga sugat." binuksan ko naman ang mga mata ko at nakita dun ang isang babae na nag-aalala saakin. Napakunot naman ako ng noo ko dahil hindi ko siya kilala at ano daw? tinawag ba niya akong mahal na prinsesa?
"Who are you?" tanong ko dito, tinignan naman niya ako ng nagtataka parang iniisip niyang ano ang sinabi ko. Hindi ba siya nakakaintindi ng english?
"Ano hong sinasabi niyo mahal na prinsesa?" tanong uli nito, I simply rolled my eyes at her. Malinaw naman ang sinabi ko.
"I said, Who are you and where am I ?"
"Ho? hindi ko ho kayo maintindihan, ano po bang sinasabi niyo?" naiinis na ako hindi ba siya nakakaintindi ng english talaga. Basic lang naman ang sinabi ko at mukhang may pinag-aralan naman siya.
"Hindi ka ba nakakaintindi ng english?Ang sabi ko Sino ka at nasaan ako?" Dahang-dahang sabi ko para maintindihan niya.
''Ah! iyon po pala, pansensiya na ho kayo hindi ko po kasi alam yung sinabi niyo kanina. Ngayon ko lang narinig ang wikang ginaamit ninyo kanina. Hindi niyo ba ako naalala? ako ang tagasilbi niyo." sabay ngiti nito.
"Tagasilb? You mean Katulong?" ano ba naman yung gingamit niyang words masyadong malalim. Para siyang nasa medieval period.
"Ha? ah Opo?." tinignan ko naman siya pababa, nakasuot siya ng mahabang damit, color brown ito at may apron ito na nakalagay sa bewang niya. Sure ba siyang katulong siya. Para siyang alipin nuon sinaunang panahon, sa spanish era. Tumingin naman ako sa paligid ko at ngayon ko lang narealize na malaki pala ang room na ito at mukhang pang prensesa talaga siya bagay sa tinawag niya saakin, but I think I'd rather be called Queen. Light ang ambiance ng buong paligid yung curtain baby pink ang color napakunot uli ako dahil mas gusto kong royal blue at gold ang room ko. Ito ba ang favorite color? wala akong matandaan. Anyway, mamaya ko na lang iisipin yun nagugutom na rin ako parang isang linggo akong hindi kumain.
"Nagugutom na po ba kayo mahal na prinsesa? gusto niyo ho bang mag-agahan. Ipapatawag ko po ang ibang tagapagsilbi niyo para bihisan kayo." tinignan ko naman yung suot ko at okay lang naman siya maayos naman. Nakanight gown na pantulog kasi ako, color white na manipis at silk siya lumabas yung kaputian ko sa suot ko halos magkakulay na balat ko sa damit ko.
"No, I actually think this is suitable, kakain lang naman ako mamaya na lang ako maliligo."
"Ho! Hindi po pwedeng lumabas kayo ng ganyan. Makikita ho ang inyong balat at alam niyo pong mahigpit na i***********l iyon." ang OA naman, nakita ko naman ang suot niya at balut na balut nga talaga siya. Halos hindi na makita ang mga paa nito sa damit na suot niya pati kamay niya halos hindi na rin makita dahil daliri niya na lang ang nakikita .
"Ganun ba? sige maghahanap ako ng damit ko, pwede ka ng umalis."
"Hindi po pwede, iyon po ang tungkulin namin dito ang pagsilbihan kayo mahal na prinsesa." sumasakit uli ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Parang hindi ako sanay na sinasabihan ng Prinsesa. Teka lang ano nga bang pangalan ko? Princess ba? Oh my god! nakalimutan ko rin pati pangalan ko wala akong maalala kahit isa.
"Masakit po ba ang ulo niyo mahal na prinsesa? gusto niyo bang pagdalhan ko kayo ng halamang gamot dito? Ano pa pong masakit sainyo?"
"Ayoko, okay lang ako, gusto ko lang itanong Princess ba ang pangalan ko?"
"Ho! ano po yung Princess?" Gosh! andito nanaman tayo, illiterate ba siya?
"Di ba, sinasabihan mo ako ng Prinsesa so I assume na Princess ang pangalan ko english yun ng Prinsesa." Gosh! parang nagtuturo ako ng grade 1 student.
"Ano po yung assume?" Argh! masisiraan na talaga ako ng bait
"Iniexpect ko, ay mali iisip ko/naniniwala na yun talaga ang pangalan ko." Hayst! ayaw kong kausap ito meron bang pwedeng ibang makausap dito ng matino.
"Ah! yun po ba? Prinsesa po talaga kayo hindi niyo ba natatandaan? at Tiara po ang pangalan niyo kaya po ang tawag namin sainyo Prinsesa Tiara." Tiara? parang hindi familiar.
"Nagising na ba ang Prinsesa?" biglang may pumasok na babae sa room tinignan ko naman ito, halatang nag-aalala na natutuwa?. Nakasout naman ito ng Gothic nagown color red and black at may gloves siya na black at may malaking siyang korona na nakakabit sa ulo nito. Para siyang reyna sa suot niya ang elegant pa niyang maglakad.
"Mabuti naman nagising ka na rin sa wakas mahal na prinsesa." niyakap naman niya ako kahit nagtataka ako sa action niya ay niyakap ko rin siya ng pabalik. Magaan naman ang feelings ko sakanya.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo mahal na prinsesa? may masakit pa ba sayo?"
"Okay, lang po ako."
"Ano ang iyong sinabi?" gosh! isa rin ba siyang illitirate sayang mukha pa naman siyang kagalang-galang.
"Sabi ko po Okay lang ako,, ayos lang ako."
"Ah! akala ko kung anong wika ang iyong sinasabi mo. Hindi ko naintindihan, huwag ka na ulit magsasalita ng ganoong wika hindi ko masyadong maiintindihan."
"Ah! mahal na reyna sakatunayan po niyan hindi pa po maayos ang kalagayan ng Mahal na prinsesa."
"Ano ang iyong ibig sabihin?"
"Hindi ko po alam, pero sa nakikita ko dahil po sanhi po ito ng pagkahulog at pagkauntog po ng kanyang ulo. Marami po siyang wikang sinasabi na hindi ko po maintindihan." tumingin naman saakin yung reyna.
"Totoo ba ang sinasabi niya mahal na prinsesa?"
"What? I didn't say anything wrong." nakanganga naman sila dalawa sa sinabi ko na para akong alien.
"Ano ba ang ang iyong sinsabi mahal na prinsesa kailan ka pa natututong magsalita ng ibang wika at ano ang wika iyong sinabi?" tinignan ko naman sila ng natataka hindi ba nila mag-english?
"Lira!tumawag ka ng pinakamagaling na manggagamot at tawagin mo rin ang Hari kailangan niyang malaman ang mga ito." tumingin siya doon sa katulong at tumingin uli siya saakin at umupo sa tabi ko.
"Opo mahal na reyna masusunod po." umalis naman yung katulong kaya kaming dalawa na lang ng reyna ang natira tinitignan naman niya ako ng maigi. Naiilang naman ako sakanya.
"May problema po ba?"
"Ano ang iyong huling natatandaan."
"Wala po akong matandaan."
"Alam mo ba kung ano ang iyong pangalan?''
"Tiara po?"
"Hindi ka sigurado?''
"Yun kasi yung sinabi ng katulong niyo."
"Katulong?baka ang ibig mong sabihin ay tagapag silbi."
"Pareho rin naman yun."
"Kahit pangalan mo hindi mo matandaan, Ibig sabihin kami ng hari ay hindi mo maalala?" umiling naman ako.
"Mahal kong prinsesa, Ako ang iyong Ina at ang Hari ang iyong Ama hayaan mo papunta na rin naman siya rito." hinawakan naman nito ang pisngi ko at ngumiti saakin.
"natutuwa ako na nakita muli kita." pumasok naman ang dalawang lalaki, ang isa ay eleganteng tignan ang isa naman ay may dala itong bag maayos. Lumapit sila saakin, tumayo naman ang reyna at punta sa kaninang lalaki na eleganteng tignan. Niyakap siya nito at tignan ako ng lalaki.
May mga ginagawa naman saakin ang isang lalaki, pinapakiramdaman niya ang pulso ko at nakapikit lang ito habang ako naman ay nakatingin sakanya. May katandaan na rin siya makikita mo yung kulubot sa mukha niya at mga puting buhok niya.
"Maayos ang kalagayan ng Prinsesa ngunit kailangan pa rin nitong magpahinga hindi mo na siya pwedeng pumasok. Isang linggo mo na ang pwedeng ipagpaliban para pumasok muli siya. Naramdaman ko kanina ay mukhang nawala ang kanyang mermorya ngunit huwag kayong mababahala dahil babalik rin naman ito hindi lamang inaasahan na mabilis pero babalik rin. Wag niyo lang siya piliting makaalala, pwedeng itong maging sanhi ng pagkalala ng kalagayan niya at makakasama iyon sa pakiramdam niya." tumango naman silang dalawa ako naman hindi sumakit ang ulo ko dahil sa nararamdaman ko pero sumakit ang ulo ko sa sinabi ng manggamot kuno. ibig sabihin may amnesia ako. Nagpasalamat naman ang reyna at hari bago hinatid ng hari palabas yung manggagamot. upo uli sa tabi ko ang reyna at hinawakan ang kamay ko.
"Kailangan mong magpahinga mahal na prinsesa, huwag kang mag-alala babalik rin ang iyong alaala. Huwag mo lang itong pipilitin." hinalikan naman niya ako sa noo
"Padadalhan ka na lamang namin ng iyong makakain." Lumabas naman na ang mga ito.. Tumayo naman ako at nilibot ang room ko daw. Despite the fact that it is baby pink, still an elegant style. May tatlong pinto akong nakita sa loob ng kwarto ko. May queen size bed at sofa, isang malaking vanity mirror, nagtataka naman ako kung saan yung mga damitan ko.
Binukasan ko naman yung isang pinto at cr pala ito, may nakita naman akong bathtub at isang shower at may mga gamit na rin sa iba't ibang panligo, nakalagay ito sa malalaking bote. Binuksan ko naman isa-isa, yung isa rose fragrant, then honey and caramel at iba-iba pang amoy mga limang bote. Mild lang lahat ng amoy ng mga ito. Pumasok naman ako sa isang pang pinto, bumungad saakin ang isang malaking library at medyo nagiging panatag na rin ako na dito talaga ako nakatira dahil sa mga nakikita kong mga books. I love to read books, so I choose one and scan it, sa tingin ko hindi ganito ang mga gusto kong libro naghanap pa ako ng iba pero wala akong makitang maganda puro mga history at malala pa masyadong makata ang pagkakasulat. Napapangiwi tuloy ako, ito ba talaga ang mga hilig kong libro? Nakita ko naman ang isang malaking panting doon na isang babae. No, she's not just a girl because she's me. Ako pala ang nasa painting na nakangiti. Hindi ko maalala. Sinarado ko na ang pinto at pumunta naman ako sa katabi nitong isa pang kwarto.
Bumungad naman saakin ang isang malaking walk in closet ko at puro Gothic dresses ang Style nito nakasabit lang siya lahat at iba't-iba pa ang designed nito. Nilibot ko pa ang sarili ko at nakita kong maraming cabinet dito yung isa puro bags, shoes, accessories like jewelries, hats, hair clip na may maliliit na diamonds at iba pa.
"Ito na po ang inyong pagkain mahal na prinsesa, kumain na po kayo. Kapag natapos ho kayo tawagin niyo lang ako sa labas." Nang makitang ang pagtango ko ay lumabas naman na ito. Kumain naman ako, wala na akong pakialam sa sarili ko dahil gutom na gutom ako. Parang ilang weeks akong hindi kumain at nagulat ako na mauubos ko lahat na hinain saakin. Tinawag ko na rin yung tagasilbi raw at kinuha naman na niya ang mga pinagkainan ko. Ako naman ay nakatunganga lang sa kwarto ko wala akong maisip na gawin dito. Lumabas naman ako ng Veranda at tinanaw ang view. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maramdaman na dito ako nababagay parang may iba pang kulang. Saka ko na lang aalalamin pag bumalik na ang memories ko.
...........................