TIARA "Mahal na Prinsesa narito na ho tayo." Tumango lang kay Ara pagkatapos nitong sabihin. Nakabalik na kami sa paaralan ilang linggo ring na pamamalagi ko sa palasyo. Alam kong maraming magtataka kung bakit ilang linggo akong nawala. Bigla tuloy akong kinabahan dahil alam unang magtatanong riyan si Ervis. Napakagat naman ako ng ibang labi ko nang may maalala. Hindi pa ako handang harapin siya lalo pa't alam kong nalalapit na ang kasal. Handa na ba ako? Hindi! Yun agad ang unang lumabas sa isip dahil kahit kailan hindi naman talaga ako naging handa. "Mauna na ho kayong umakyat mahal na prinsesa kami na hong bahala rito." Isinuot ko naman ang Slauch isa iyong uri ng sombrero na may mahabang brim. Inalalayan naman akong bumaba ng kalesa at nauna nang pumasok sa loob ng Mharika. Iginagala

