*Tiara* Padako na ako sa aking silid ng madaanan ko ang silid ni Trevor lalampasan ko nasa ito pero bigla kong narinig ang boses nito sa loob ng kwarto niya. Mukhang may kagalit ito base na rin sa pananalita nito na para bang galit pero nagtitimpi lamang. Alam kong bawal ang makinig sa may usapan ng iba pero hindi ko lang mapigilan lalo na nang marinig kong binangit ang pangalan ni Mommy nakapagtataka lamang. Isang linggo na rin ang nakakaraan ng umalis si Mommy dahil sa sinabi nitong business trip pero ang nakapagtataka lang ay wala man lang akong balita tungkol sa kung anong nangyayari talaga sakanya. Tuwing tinatanong ko naman si Trevor na siyang nakakausap raw niya ay maayos naman raw ang kalagayan niya at medyo busy raw siya. Pero ni isang sigundo hindi ko pa nakausap si Mommy hindi

