Ciara Nakaupo ako sa dulo ng kama ko or should I say bagong kama ko. Pinagmamasdan ko naman ang mga katulong na nag-aayos ng mga gamit ko ayaw kasi nilang tulungan ko sila kaya pinagmamasdan ko lang sila kung anong ginagawa nila. Nakabalik na ako sa Mharika tawag pala sa eskwelahan nila dito. Dahil halos lahat ng nag-aaral rito mga maharlika. Inilipat na ako ng kwarto ko dahil sa kagagawan ng Haring epal na yun. Ang nakakainis pa ay nasa kwarto niya ako kahit may dalawang kwarto dito dahil hindi naman kami pwedeng magsama sa iisang kama ayoko pa rin dahil makikita ko pa rin siya kahit ayoko. Hindi na ako makakatakas pa sakanya. "Kayo munang bahala rito, aalis lang ako saglit. Babalik rin ako." Tumayo naman na ako, bigla naman silang napatigil sa ginagawa nila dahil sa sinabi ko. "Sasama

