Hindi pumasok si Miggy kinabukasan. Marahil ay nagbabantay pa rin siya sa kanyang ama. Mamaya ay pupunta ulit ako sa ospital para bumisita. Nakapagpaalam na rin ako kay Mama. Himala nga dahil wala siyang kahit na anong sinabi, basta tumango lang siya. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa kanila ni Papa kagabi. Nahihiya naman akong tanungin sya. "Okay na ba ang Daddy ni Miggy?" tanong ni Charles. Siya ngayon ang nakaupo sa kinauupuan ni Miggy. "Hindi ko alam. Bibisita pa lang ulit ako mamaya doon,." sagot ko at ipinagpatuloy na ang pagsusulat. Okupado masyado ang isip ko. Ang tanging gusto ko lang ngayon ay matapos na ang araw na ito para mapuntahan na si Miggy. Gusto ko na siyang makita. "Ihahatid kita." "Ikaw ang bahala," kibit balikat na sagot ko kay Charles. Hindi ko pa rin siy

