Chapter 6

1814 Words
"Miggy..." iling ko. "Strikto si Mama. Baka hindi siya pumayag." "You're nineteen, Aaliyah. Nasa tamang edad ka na. You can make your own decision without asking her permission." Umiling ako. "Mama ko pa rin siya. Naiintindihan ko kung bakit siya mahigpit sa akin." "Susubukan ko lang, okay? Kapag hindi siya pumayag ay hindi na kita pipilitin," malambing na tugon niya. Nawalan na ako ng tamang salita para pigilan pa siya. Lalo na't ayaw din naman niyang magpaawat. Matatalo lang naman ako sa aming diskusyon. Kaya naman kinagabihan ay sobra-sobra ang kabang nararamdaman ko sa aking dibdib. Ayoko yatang bumaba sa sasakyan ni Miggy. Natatakot akong harapin niya si Mama. Natatakot din ako sa maaaring sabihin ni Mama sa kanya. "Ano... u-uhm, bukas ka na lang kaya pumunta?" nakayukong sabi ko kay Miggy habang nilalaro ang aking mga kamay. "No," matigas na sabi niya. "Nandito na rin naman tayo, bakit kailangan pang ipagpabukas?" "Pero-" Nanlaki ang mga mata ko nang hindi na niya ako pinatapos sa pagsasalita. Bigla na lang kasi siyang bumaba ng sasakyan. Hindi ako nagsayang ng oras, agad akong sumunod sa kanya sa pagbaba. "Miggy, please. Sa susunod na lang," hiling ko. Lumapit pa ako sa kanya at hinawakan siya sa braso para pigilan ang pagbabadya niyang paglalakad. "Kahit anong sabihin mo ay hindi mo na ako mapipigilan, Aaliyah," lingon niya sa akin. Nanghina ang mga kamay kong nakahawak sa kanya. Unti-unting bumaba ang mga ito. Wala na. Hindi ko na talaga siya mapipigilan Habang papasok kami ni Miggy sa loob ng bahay ay pabilis ng pabilis ang t***k ng puso ko. Nasa likuran ko si Miggy. Tahimik lamang siyang nakasunod sa akin. Nakabukas na ang TV, ibig sabihin ay nandito na si Mama. Kinagat ko ang labi ko habang binibuksan ang pintuan. Agad na lumingon sa akin si Mama. Nanlamig ako. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin, lalo na nang lumipat ang tingin niya kay Miggy. "Aaliyah, gabi na. Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Mama. Tumayo siya sa harapan namin. Tumikhim si Miggy bago magsalita. "Good evening po. Ako po si Miguel Sebastian Arevalo," magalang na sabi nito. Tumango lang si Mama sa kanya bago bumaling ang mga mata niya sa akin. "Bakit ngayon ka lang? Saan ka nanggaling?" "Ma..." sambit ko.  Ano'ng sasabihin ko? Na hindi ako pumasok dahil kaninang umaga ay may umaway sa akin? Malamang ay magagalit si Mama kapag iyon ang sinabi ko. "Magkasama po kami, Tita. May lesson po kasi akong hindi naintindihan kaya nagpaturo ako kay Aaliyah," nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Miggy. "Ganun ba?" ani Mama. "Kumain na ba kayo?"  Umiling ako bilang sagot. "Oh siya, sabay-sabay na tayo. Dito mo na pakainin ng hapunan yang kabigan mo, Aaliyah." "Opo," tinalikuran na kami ni Mama para magtungo sa kusina. Hinila ko naman si Miggy at umupo kami sa sofa. "Uhm, salamat..." sabi ko. "Para?" kumunot ang kanyang noo. "Sa pagsagot kay Mama." "Ohh..." tango niya. "Wala 'yun. Mukhang kinakabahan ka. Hindi ka ba sanay magsinungaling sa kanya?" "Hindi," iling ko. "Hindi ko kayang magsinungaling kay Mama." "Aaliyah..." sambit ni Miggy sa pangalan ko habang umiiling. Hindi ko mainindihan kung bakit ganito ang kanyang reaksyon. Hindi lang talaga ako sanay na hindi sinasabi kay Mama ang totoo. Ayaw kong ma-disappoint siya tungkol sa nangyari sa akin kanina. Ilang sandali pa ay tinawag na kami ni Mama para maghapunan. Magkatabi kami ni Miggy habang si Mama naman ay nasa harapan namin. Tahimik kaming kumakain. Sa bawat pagsubo ko ay siya ding pagsulyap ko kay Miggy. Wala akong nakikitang tensyon o kahit na ano sa kanya. Hindi ba siya kinakabahan? "Tita," ani Miggy bigla habang nasa kalagitnaan kami ng pgkain. Ayan na! Sasabihin na niya. Bumilis na naman ang t***k ng puso ko. Tumigil ako sa pagkain para abanagan ang reaksyon ni Mama. "Bakit?" "Gusto ko po sanang imbitahan si Aaliyah sa darating na Linggo. Debut po kasi ng pinsan ko. Okay lang po ba sa inyo?" tanong niya. Magalang rin ang pagkakasabi. Kumunot ang noo ni Mama habang tinitingnan si Miggy. "Tinanong mo na ba si Aaliyah tungkol dito?" "Opo. Ang sabi niya ay sa 'yo raw po ako magpaalam," aniya sabay kuha sa baso ng tubig para makainom. "Totoo ba?" lumipat ang tingin ni Mama sa 'kin. Tumango ako. Muli niyang nilingon si Miggy. "Ikaw ba ang susundo sa kanya at maghahatid pauwi?" "Opo. Sisiguraduhin ko po 'yan. Malinis po ang intensyon ko kay Aaliyah. Ibibigay ko po sa inyo ang cellphone number ko para ma-contact niyo rin po ako." "Oh siya, sige. Pero dapat, bago mag alas dose ay maihatid mo na siya sa bahay," tumango si Mama bago ipinagpatuloy ang kanyang pagkain. Nagkatinginan kami ni Miggy. Halos mapanganga ako, habang siya ay malaki ang ngiti. "Salamat po, Tita," dagdag pa ni Miggy at pinagpatuloy na rin ang pagkain. Ang buong akala ko ay aalis na si Miggy pagkatapos naming kumain. Ngunit, nagulat ako nang alukin niya si Mama na siya na lang daw ang magliligpit ng pinagkainan namin. Ang mukha ni Mama ay hindi makapaniwala, maging ako. "Miggy, hindi mo naman kailangan gawin ito. Bisita ka namin," sabi ko habang nakatayo sa gilid niya. Pinapanuod ko siya sa paghuhugas ng mga plato. Si Mama ay nasa sala na, nanunuod ng paborito niyang teleserye. Nilingon niya ako bago ituon ulit ang atensyon sa kanyang ginagawa. "It's okay, Aaliyah. Pasasalamat ko ito sa Mama mo dahil pinayagan ka niya."  Napangiti ako sa kanyang sinabi. Kung magiging ganito siya palagi, baka mas lalo akong mahulog. Kaso... ayaw kong umasa ng sobra. Alam ko na para sa kanya, ang lahat ay laro lamang. Hindi ako aasa na magagawa niyang magbago para sa akin. Dahil kapag umasa ako, mas masasaktan lang ako bandang huli. Agad akong pumasok sa eskwela kinabukasan. Mabuti na lang pala at hindi napansin ni Mama na wala akong dalang bag kagabi. Baka magtanong na naman kasi siya pag nagkataon. "Iyah!" tawag sa akin ng isang boses na pamilyar. Tumigil ako at nilingon ang tumatawag sa akin. Si Charles pala. Tumakbo siya patungo sa akin. "O-okay ka na ba?" hingal na tanong niya. Ngumiti ako. "Oo." Sinabayan niya ako sa paglalakad habang papasok kami sa gate. "Saan ka nga pala dinala ni Miggy kahapon? Hindi na kayo pumasok maghapon." "Ahh. Dinala nya ako sa kanila." "Ano?!" hindi makapaniwalang tanong niya, na para bang may mali sa sinabi ko. "Bakit?" takang tanong ko. "Sumama ka sa bahay nila? May ginawa ba siya sa 'yo?" "Wala," iling ko. "Tinulungan nga niya ako, eh." "Iyah, 'yang si Miggy... sa una lang yan mabait. Pag nakuha na niya ang gusto niya sa 'yo, iiwan ka na niya," may tono ng pag aalala ang boses ni Charles.  Tumango na lang ako. Alam ko naman 'yun. Alam ko kung paano iwan ni Miggy ang bawat babae sa buhay niya. Kaya natatakot din ako. Natatakot akong mapabilang sa listahan ng mga sasaktan niya. Ngunit kahit na anong pilit kong pag iwas, kasama na ako sa kanyang listahan. Pagpasok namin sa room ni Charles ay nandoon na ang grupo ni Bea. Kinabahan ako bigla. Natatakot akong pumasok. "Wag kang matakot, Iyah. Hindi kita pababayan," bulong ni Charles. Hinila niya ako papasok. "Malandi talaga," sambit ni Bea. Dinig na dinig ko 'yun dahil iilan pa lang naman kaming nandito. "Wag mo na lang siyang pansinin," bulong ulit ni Charles.  Tumango ako at umupo na.  "Tatabi ako, ah..." dagdag pa ni Charle sabay upo sa tabi ko. "A-ah, Charles... doon ka na lang sa pwesto mo." Nakakahiya naman. Ayokong maging abala pa sa kanya. "Hindi. Dito lang ako. Hindi ako aalis." Napabuntonghininga na lang ako. Dinig na dinig ko pa rin ang usapan ng grupo ni Bea. Pinilit kong huwag na lang itong pansinin. Kaya lang, hindi ko magawa. Bawat salita nila ay parang kutsilyo na sumasaksak sa puso ko. "Bea, kahit na maganda ka, kung malandi naman ang kalaban mo ay talo ka pa rin," ani Laura. "I know," sagot ni Bea. "May iba nga d'yan, akala mo santa. Hindi naman pala," nagtawanan silang lahat sa kanyang sinabi. Biglang tumayo si Charles at hinarap silang lahat. "Hoy, kayo!" galit na sabi niya sabay turo sa grupo nila. "Kung wala kayong masabing maganda, pwede ba itikom niyo na lang yang bibig niyo!" "Bakit?" sarkastikong tanong ni Bea. "Nasasaktan ba yang katabi mo dahil totoong malandi siya at mag aagaw?" "Stop it, Bea!" Umalingawngaw ang boses na 'yun sa loob ng aming classroom. Napalingon ako sa pintuan, mataman na nakatayo doon si Miggy habang matalim ang tingin kay Bea. "Tumigil ka na, ah!"  Gulat na gulat ako sa biglaang pagdating ni Miggy. Maging si Charles at ang iba pa naming kaklase ay mukhang nagulat din. "Miggy..." nanliit bigla ang boses ni Bea. Lumapit sa kanya si Miggy. Marahas niyang ipinatong ang kanyang mga kamay sa mesa. "You know me, Bea. Don't push it," mababa ang tono nito ngunit may diin pa rin sa bawat salita. "Hindi naging tayo. You just assumed that we're together. You're too clingy, kaya pinabigyan kita." Napanganga si Bea sa binitawang salita ni Miggy. Namutla ang kanyang mukha. Ang mga kaibigan naman niya ay hindi makapaniwala. Nag-ayos ng tayo si Miggy pagkatapos ay lumapit siya sa akin. Inilahad niya ang kanyang kamay. Tumingin ako sa kanya, nagtataka. "Let's go." "Saan kayo pupunta?" mariin na tanong ni Charles. Lumingon si Miggy sa kanya. "Why do you care?" "Miggy, pwede ba..." Kumunot ang noo ni Miggy. Hindi niya pinansin ang sinabi ni Charles. Nakalahad pa rin ang kamay niya sa akin, sinesenyasan ako na kunin ito. "Please," sumamo niya. Nadala ako sa kanyang boses. Kinuha ko ang nakalahad na kamay niya. Hinila niya ako patayo. Hinawakan naman ni Charles ang isang kamay ko para pigilan kami ni Miggy sa pag ambang pag alis. "Gago ka, Miggy. Huwag si Iyah!" pinilit akong kunin ni Charles ngunit hindi nagpatalo si Miggy. "Bitawan mo," mariing utos niya kay Charles, tinutukoy ang kamay niyang nakahawak sa akin. Hindi nakinig si Charles. Umiling siya at mas lalong humigpit ang hawak sa akin. Halos mapadaing na ako sa higpit ng hawak niya. Tumingin ako kay Miggy, madilim ang tingin niya kay Charles. Tinanggal niya ang pagkakahawak sa akin. Ang sunod niyang ginawa ang hindi ko inasahan. Halos lahat ng tao sa loob ng aming classroom ay napasigaw nang biglang suntukin ni Miggy sa pisngi si Charles, dahilan para maalis ang hawak niya sa aking kamay. "Charles-" dadalo sana ako sa kanya ngunit biglang hinawakan ni Miggy ang kamay ko at hinila palapit sa kanya. Ang tanging nagawa ko na lang ay tingnan si Charles habang nakahandusay sa sahig at hinahawakan ang kanyang pisngi. "Gago ka, Miggy!" sambit nito. "Oo. Gago ako. At kaya ko pang mas maging gago pag hinawakan mo pa ulit si Aaliyah," malamig na sagot nito. Hinila na niya ako palabas. Iniwan si Charles na nakatulala pati ang grupo ni Bea.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD