AHRON POV Natulala ako ng ilang saglit kay Alfred na ang sarap sapakin sa kanyang mukha. "Hoy Ahron ano ba ang ginagawa mo ha? Sobra na akong nababastusan sayo eh! Matuto kang humarap sa akin when I am talking to you ha? Mahigpit na ipinag babawal sa office ang pagiging lutang so umayos kang lalaki ka ok?" Sumabat na ako dito kay Karen, "Dapat ay yan ang sabihin mo sa sarili mo. Hiyang hiya ako sayo na wala nang ibang ginawa dito sa site kung di mag paganda ng sarili. Tingnan mo kami, nagkukumahog na mag trabaho samantalang ikaw ay ginawa mong parlor dito sa loob!" Dinuro niya ang kanyang kamay sa akin. "Hoy Ahron, how dare you talk to me like that ha? Nandito tayo sa trabaho so you should act professional. Ayusin mo ang trabaho mo ha?" "Oh bakit, inaayos ko naman ang aking traba

