LILY POV Akit na akit ako sa hitsura ng boyfriend ko at gusto kong makasama pa siya ng mas mahabang panahon. Sulitin ang bawat sandali na magkasama kami. Nag out ako kaagad sa kadahilanang excited na akong makasama ng mas matagal itong boyfriend ko. Sure naman ako na mamayang gabi pa uuwi si Ninong Raul so may ilang mga oras pa kami para makapag bonding ulit sa bahay. Nagmamadali pa nga akong nag impake ng mga gamit ko kasi nga nais kong makarating kami doon ng mas maaga. "Mahal, relax ka lang! Wag kang masyadong mataratanta. Makakarating din tayo sa bahay niyo." "Alam ko! Basta ang usapan natin ay uuwi ka kaagad bago mag six pm ha? Ayaw ko nang maulit ang nangyari nitong mga nakaraang araw. Malalagot ako nito kay Ninong Raul eh," sambit ko sa kanya nang maayos ko na ang mga gamit ko

