LILY POV Ang sarap ng kwentuhan namin dito ni Bea kasi kaming dalawa lamang ang customer at wala nang iba pang nakaka rinig ng aming mga usapan. "Okay fine Bea, sabihin na natin na marami akong mamanahin pero iniisip ko na maging charitable person." "Eh pero bago mo yan gawin, matanong ko nga muna kung napapag usapan niyo na ba ng boyfriend mo about having kids like ilan ba ang gusto niya or ilang ang gusto mo? For sure ngayon na ilang buwan na lamang ay ikakasal na kayo ay napag uusapan niyo na ang ganyang mga bagay. If you are going to ask me ha? Since marami ka namang mamanahin, why not mag anak ng napakarami? Mayroon nga tayong kasabihan dati na the more ay the merrier. Isipin mo ha? If marami ka ring mga anak, aba ang saya siguro ng buong family mo. Ang dami mong pwedeng utusan.

