AHRON POV Lumapit sa akin itong si Alfred na may matapang na mukha. Lumapit din ako sa kanya. Ngayon na wala ako sa mood ay hindi ko palalampasin ang ginagawang katarantaduhan ng lalaking ito na wala sa tapang ang pagiging siga. Malaki naman ang katawan ko kaysa sa kanya kaya yakang yaka kong makipag sapakan. Pero kung may kinakatakot man ako dito, yun ay ang mga kaibigan niyang pulpol na maaaring tumulong sa kanya kapag nag sapakan na kami. Lugi ako kung paramihan ang usapan ngunit kung ito ang paraan para matanggal niya, once and for all, makikipag sapakan na ako! "Ano ha? Unahan mo na akong suntukin kung gusto mo!" sambit niya sa akin. Ngumisi ako, "Ano ang tingin mo sa akin ha? Isa akong malaking tanga? Ikaw ang nag simula ng gulo kaya ikaw ang dapat na umayos nito. Subukan mo a

