AHRON POV Nakatulala ako sa pagkain ko na ayaw kong galawin. Wala ako sa mood kumain ngayon sa totoo lang. Hindi ako makapaniwala na ang dami kong mga pasa sa mukha dahil sa ogag na Alfred na yun na saksakan ng yabang. Ang sarap niyang upakan ulit. Ngayon, iniisip ko kung paano ako haharap kay Lily ng ganito ang hitsura ko. Malamang ay magalit at mag alala siya sa akin kapag nakita niya ang mga pasa ko sa mukha. Sapat kaya ang isang linggo para gumaling ito? Hindi eh, malapit na ang sabado, hindi na aabutin ng isang linggo. Kahit nga sana mag face mask na lang ako pero ang hirap ng takpan ng mga pasa ko sa mukha. Nang gigigil na ako, tiniklop ko ang mga kamay ko, ang sarap manapak ng mga tao ngayon but I know na hindi ito ang tamang lugar para mag wala. Kapag hindi ako natuloy sa pa

