LILY POV Sa sobrang busy ko ay hindi ko na namalaya na 1 pm na pala. Ang dami kong mga ginawa ngayon. Nakaka loka ang stress na inaabot ko rito. May meetings pa ako kanina that is why sumasakit ang ulo ko. Nakakangalay na ngang mag pirma. Masakit na sa kamay ko pero ano ba ang magagawa ko? May deadline din ako na hinahabol ngayon that is why I need to finish this on time. Tumayo muna ako ng kumalam ang aking sikmura. At nasaktuhan pa na biglang pumasok dito sa loob si Bea and she is smiling at me. "Uy girl hindi ka pa ba nagla lunch ha?" "Oo eh! Sorry, I am so busy right now at hindi ko na namalayan na tapos na ang lunch break." "Hahaha! Ako rin eh, I did not know kasi kakatapos lamang ng meeting and overload na ang trabaho ko. Anyway, sabay na tayong mag lunch sa labas hehe!"

