Nang makarinig kami ng tunog ng sasakyan sa labas ng bahay. Nagtinginan kaming dalawa. Walang emosyon ang pinapakita niya habang labis naman ang tensyon ang namamagitan sa akin. Kabang-kaba ako. Lalo na noong papasok na sina lolo at Mommy sa bahay. Sa pintuan pa lang nauna nang pumasok si Mico na may dala pang bouquet of flowers para sa akin. Nag-alinlangan akong tanggapin iyon dahil titig na titig si Ram sa bulaklak. Nang pumasok si lolo at Mommy doon ko na tinanggap. Nanginginig pa ako, kahit gusto kong kumalma hindi ko magawa. "Thanks, Mico." "You're welcome," he smiled at me sweetly. "Are you okay? You look uncomfortable," he asked when he noticed I was stunned by him. "Yes... I am fine. Don't worry," I said confidently. Tinago ang kaba. Lumayo ako sa kanya upang pumunta naman

