It's been four days pagkatapos kong ipahiya si Ramcess sa club na iyon. Ngunit hindi pa rin siya nadadala pilit niya pa ring hinihingi ang simpatya ko. Pilit siyang humingi nang kapatawaran sa nagawa niya sa akin. Na ang hirap ibigay sa kanya. Kagaya ng paghingi niya ng 'sorry' hindi ganoon ka biliis ang magpatawad. Kulang talaga ang lahat ng pagmamakaawa niya para maawa ako sa kagaya niyang hindi marunong umiintindi kung gaano kahirap ang nangyari sa akin noon. Mabilis niya lang nalunok ang lahat ng hirap ko. Para ipakita lang sa akin na nagsisi siya. Suot ang pulang heels at white t-shirts na pinaresan ko ng skinny jeans. Pumunta ako ng preso upang makibalita sa nangyari sa mga taong nagkaroon din sa akin ng kasalanan. Kasama ko si Mico na pinag-drive ako ng sasakyan. Kinuha niya ako

