As we park our car. Hindi ko maiwasang mag-isip nang kung ano-ano nang pababa na kami ni Ram. Kung puwede lang bumalik sa daanan namin at nagpakalayo-layo gagawin ko. Ngunit alam kong hindi ganoon kadali ang lahat. We need to face the consequences. Sabay kaming pumasok ni Ramcess sa loob ng gate. Maraming mga butlers ni lolo ang sumalubong sa amin. Wala silang sinasabi basta na lang silang nag-report sa kanilang mouth peace. "Ano'ng meron?" tanong ko sa nadaanan kong butlers. Nakaharang siya sa may gate. Tumingin lang siya sa akin sandali pagkatapos hindi na umimik. Para siyang robot sa hambahan, nakaabang doon kasama ang iba pa niyang kasamahan. Huminga ako nang malalim. Napatingin ako kay Ram sa likuran ko. Tahimik siyang sumusunod sa akin. Hindi ko mabasa ang reaction niya. Bag

