Napag-alaman kong nasira ang sinasakyang yate ni Ramcess kaya hindi siya nakauwi. Pinapaayos niya ang nasira kaya umabot siya ng gabi ngunit umulan bigla ang kalangitan kaya hindi siya nakauwi agad. Hinintay niyang tumila ang ulan pero hindi iyon nangyari kaya kahit napakadelikadong bumyahe sa karagatan dahil sa malakas na hangin. Ang ginawa ni Ramcess, sumulong pa rin siya dahil alam niyang nag-aalala na ako lalo na't Anniversary pa namin. Doon ko lang din naramdaman ang awa sa kanya para lang makauwi siya rito sa Isla. Ang sabi niya pa lumubog ang kanyang yate noong malapit na siyang makarating sa Isla, kaya hinayaan niya lang ito at sumisid na lang siya sa dagat. Habang pinapakinggan ko siyang nagkukuwento, hindi ko maiwasang maluha sa sinapit niya sa gabing iyon para lang makauwi

