The Company went well. Nagiging busy ako sa mga investors, maraming meetings akong ina-attend. Kasama ko si Mico sa loob ng isang linggo na puro mga ka business partner ang kaharap ko. Minsan hindi na ako umuuwi sa bahay dahil sa daming inaasikaso, kung uuwi naman hating gabi na. Hindi na kami nagkikita ni Ram. Dahil kapag uuwi na ako ng bahay, diretso na ako sa higaan. Hindi na rin kami nagpapansinan ni Ram. Maski makita siya hindi na nangyari, dahil pinapa-leave ko muna siya ng isang linggo dahil sa paghalik niya sa akin. I was so angry that time. Hindi ko matanggap na ninakawan niya ako ng halik nang ganoon lang, dahilan para hindi ko siya pinapatrabaho sa buong linggo. Hanggang ngayon inis na inis pa rin ako kapag naalala ko iyong lahat. Sasabog ang dibdib ko sa galit sa tuwing naa

