Maya-maya lamang ay natapos na rin ang hindi mabilang na atakeng tinik ng dambuhalang ahas. Natuwa naman si Wong Ming dahil makikitang wala siyang natamong pinsala mula sa kalaban niya. Mabilis niyang nawalan ng bisa ang pambihirang skill niya at naghalo na lamang ito sa hangin. "Hindi... Hindi maaari ito. Dapat ay tinablan ka at hindi ka nakakagamit ng anumang martial arts skills!" Gulat ngunit may halong pagtatakang saad g dambuhalang ahas. "Iyon ang malaki mong pagkakamali. Isang ilusyon lamang amg kaya mong ihabi ngunit ang kaanyuang taglay ko'y hindi mo malilinlang. Kumpara sa kakayahan at transpormasyon mo ay higit na nakakataas ang Demon Form ko!" Seryosong turan ni Wong Ming habang kitang-kita ang pagliwanag ng mga kamay nito. Hindi naman nagdalawalang isip si Wong Ming at o

