Habang nasasakyan,bigla ko na alala ang kwentas na binalik sakin ni Don Luis, Kinuha ko ito sa aking bulsa at sinuot, tinago ko ito sa ilalim ng aking damit para walang makakita. Andito na po tayo, sabi ng driver agad kung binuksan ang pinto ng sasakyan at bumaba, salamat kuya anya ko sabay alis. Nakita ko si Steve malayo pa lang na papasok na at hindi magkanda ugaga sa kanyang gamit, napatawa nalang ako sa aking nakita. Binagalan ko ang aking lakad para hindi ko siya maabutan, panay reklamo sa akin na ang bagal, bagal ko daw maglakad tapos sya ganun dn pala bulong ko sa aking isipan. Nang may biglang tumapik sa ulo ko, Ano bayan, anas ko paglingon ko sa aking likuran si Meguel pala, ikaw pala yan anas ko sa kanya ngumiti lang sya sa akin. Lets go,sabay hila sa kamay ko at binilisan niya ang paglakad wala na akung nagawa kundi ang sumunod sa kanya habang hila ang kamay ko.Nilampasan namin si Steve na hindi na alam ang gagawin sa mga nalaglag niyang gamit,sobrang dami ba namang dala eh,. Hoy, nerb tawag niya sakin, nilingon ko sya babalik na sana ako ng bigla akong hilahin ni Meguel, Nerb dalhin mo itong gamit ko anas nya sakin ngunit tuloy tuloy padin kami sa paglakad narinig ko syang nagmura dahil sa sobrang galit nya sakin at pinagbantaan niya pa ako. Meguel, kailangan ko siyang balikan baka mamaya tanggalin ang scholarship ko hindi na ako makakapasok dito ang mahal pa naman ng tuition dito sabi ko sa kanya, Pero hindi niya ako pinakinggan, akong bahala sayo pag Tinanggal ka niya. Wala na akung nagawa kundi ang sumunod nalang sa kanya. Pagpasok namin sa room ay pinagtitinginan kami. Tiningnan ko sila kung saan sila nakatingin at laking gulat ko dahil mag ka holding hands kami ni Meguel, bigla kung binawi kamay ko sa kanya sabay deritso upo sa upuan ko, Ano ba yan nakakahiya ka talaga sandra bulong ko sa sarili ko.
Pag tapos ng klase lumabas na agad ako, nang may biglang humablot ng braso ko at itinulak, dahil sa bigla hindi ako naka balanse,deretso subsob ako, at tumilapon pa ang salamin kung suot. Bigla nyang kinuha ang salamin ko pang tingin ko kung sino yon Steve sambit ko sa kanyang pangalan, ngumisi siya sakin sabay apak sa salamin ko, na nagkanda durog durog ito,. Biglang bumalik sa alala ko si Tatay, ng mga panahong binibigay niya sakin ang salamin, Ang salamin sa mata na iyon ang unang naging regalo niya sakin, kaya iniingat ingatan ko un,.pero ngaun durog na ito ang kitang kita ng dalawa kung mata na habang dunudurog ni steve, ay tumatawa ito sila ng mga kasama niya ang daming nakatingin sa amin dahil nakaharang na kami sa daan.Biglang nagdilim ang paningin ko dahil sa ginawa nya kaya mabilis akung tumayo habang lumuluha at lumapit sa kanya paglapit ko bigla syang natigilan sinamantala ko ang pagkakataon na yon at sinuntok sya ng ubod lakas,tumilapon sya sa lakas ng suntok, nakita ko nalang na dumura sya ng dugo ng may biglang humila sa buhok pagtingin ko ka klase pala ni Steve, hinawakan ko anh kanyang kamay sabay pilipit napa igik sya sa ginawa ko sabay bitaw sa buhok ko. Tiningnan ko siya ng masama, dont you dare me anay ko sa kanya, at bigla naman natakot, dinampot ko ang basag basag na salamin,habang umiiyak,at tumakbo palabas.