ELLA'S POV Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan. At kasabay no'n ang malakas na kidlat at patuloy na pagbuhos na ulan. Mukhang hindi ordinaryong ulan lang ito. Dahil sa napakalakas nito baka ito na iyong bagyong sinasabi sa balita kanina. Malakas akong napabuga ng hangin. Hindi ko rin maalis sa isip ko ang nangyare ilang linggong nakakalipas. Hindi ko maisip na gagawin ni Gab iyon sa akin. Masakit, Oo, tinuring ko siyang kapitid pero kinabaliktaran pala ang sa kanya. Matapos ang nangyaring iyon ay bigla na lang nawala ang organisasyon ng mga Huntress. Pero alam ko nandyan lang sila sa paligid. Eying us. Naghahanap ng pagkakataon na mapabagsak ang isa sa amin. Nagpatuloy ako sa pagbaba. Ni hindi ko alintana ang madilim na paligid dahil sa sanay naman na ako. Napahawak ako sa lalamunan k

