ELLA'S POV Habang pababa ako sa hagdan napaisip tuloy ako kung saan ko na naman hahanapin ang kusina dito, halos kalahating oras bago ko makita ang hagdang ito dahil sa kanda ligaw-ligaw ako sa pesteng mansyon na ito. Bakit ba kasi napakalaki ng bahay na ito? Magda-dalawang araw na akong nandito at hindi ko parin magawang matandaan ang daan papinta sa kung saan ako dalhin ng paa ko. Tsk. Napalinga-linga ako sa boung paligid habang nasa ika-unang baitang pa ako sa itaas ng hagdan. Napakamot ako sa batok na hinahanap ang sadya ko kung bakit ako nandito. Sana pala hindi na lang ako lumabas ng kwarto kung ganito lang pala ang kahahantungan ko sa mansyong ito. Napalingon ako sa kaliwa ng makita ko ang isa sa mga tagalinis dito. May dala itong duvet cover na hatak-hatak ang trolley.

