Emman P O V
HALOS isang linggo na ang nakakalipas at wala pa rin kaming lead sa vigilanteng iyon. At sa isang linggong iyon at tatlo na ang napapatay nito. Napabuga na lamang ako ng malakas habang binubuksan ang gate ng bahay.
At dahil sa abala ako sa ginawa sa headquarter ay napagabi tuloy ako ng uw at wala pa akong kain simula tanghalian. Ang kinain ko lang ay sandwich. Napaungol ako ng marinig na kumakalam na ang sikmura. Aarrghh! Gutom na talaga ako.
Malapit ko ng mabuksan ang gate ng maagaw ng pansin ko ang babaeng papalabas ng bahay niya. Napakunot ako ng noo ng makita ang sout nito. Itim na jersy jacket at at maiksing short na halos bumalandra ang maputi nitong legs.
"Ella!" Tawag pansin ko nito.
Napahinto naman siya sa pagsara ng gate ng bahay nito at napalingon sa akin.
"What?!" Wow improving pinapansin na niya ako ha? Halos mapunit ang labi ko sa pagngiti. "Ningiti-ngiti mo diyan?" Padaskol na wika nito na mas lalong ikinangiti ko.
Isang linggo na rin pala ang nakakalipas ng matagpuan ko itong may tama ng baril sa balikat nito. Pero nakakapagtaka talaga na bakit nangyare yun sa kanya. At sa isang tulad pa niya talaga ka na hindi makabasag pinggan.
"Ah, saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya at lumapit sa kanya. "Teka, bakit ganyan ang suot mo?" Dagdag ko na ikinakunot ng noo niya.
"Pakealam mo?" Saad niya at umalis sa harapan ko.
Sinundan ko ito. "Hindi mo ba alam sa panahon ngayon? Dahil sa suot mong iyan ay baka may magtangkang bastusin ka o worse ay---"
"I can handle my self" putol nito sa sinasabi ko.
Nasa mga bulsa ng jacket nito ang mga kamay habang naglalakad.
"Kahit na baka at may mangyaring masama sayo" sabi ko pa.
Huminto ito dahilan para ikinahinto ko rin. Marahas itong humarap sa akin.
"Pwede ba...leave me alone" malamig ang boses nitong ani.
Ngumiti ako ng malapad at nagkibit-balikat. "Sabihin mo munang saan ka pupunta?" Nakita ko namang nag-igting ang panga nito. Siguro naiinis na ito sa akin.
Gusto kong matawa pero pinipigilan ko lang. Ang sarap niya kasing asarin dahil madali ito napipikon sa pag-oobserba ko. Pero tama naman ako dahil sa panahon ngayon ay delikado na sa mga babaeng katulad niya.
Bumuga ito ng malalim bago sumagot.
"Papunta ako sa seven eleven, now leave me the f*****g alone"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "You curse" hindi tanong kung hindi it was a statement.
Napairap ito at tumalikod para magsimulang maglakad. "Lahat ng tao nagmumura" saad niya at nagpatuloy sa paglalakad.
Hindi ko inaasahan yung magmumura niya siguro masyado lang akong nag-expect sa kanya na hindi siya marunong magmura. Huh! Silly me. Lahat ng tao naman nagmumura.
I snap ng mapagtantong malayo-layo na ito sa akin at maramdamang kumakalam ulit ang simura kaya patakbo akong hinabol ito. Nang magpantay na kami ng nilalakaran ay doon na niya ako nilingon na inis na inis ang mukha.
"Bakit ba ang kulit mo?" Igting bagang na tanong nito.
"Wala na akong oras at tinatamad akong magluto kaya sa seven-eleven na lang ako kakain...gusto libre kita?" Sagot ko rito at tinaas baba ang dalawang kilay ko.
Inirapan ako nito. "No thanks. Marami akong pera" mabilis itong maglakad kaya lakad-takbo na ang ginawa ko. Ke-babaeng tao ang bilis maglakad nito.
"Nagmamadali ka ba o iniiwas mo ako?" Tanong ko nito sa pagitang ng lakad-takbo na ginagawa ko. Napansin ko namang may ginagawa siya sa telepono nito bago ako nito lingonin.
Ella's P O V
NAKAKAINIS sa lahat ba naman na gusto nitong sumabay sa akin ng lalakeng ito ay bakit ngayon pa na may kikitain akong mahalagang tao. Pag-uusapan pa naman namin ang sunod kong misyon. Dahil wala ang kapatid ko na ngayon siyang tumatanggap na mga misyon namin na bigay ni Primo.
Nakakainis bakit kasi wala ang kumag na yun dito at nakasabay ko pa itong makulit na lalakeng ito. Nagsinungaling pa tuloy ako na sa seven-eleven ako pupunta na imbis ay sa Metrolux kung saan ang bar na yun ay bukas sa lahat. Tsk.
Nagtitipa ako sa cellphone ko para masabihan ang kikitain ko na mahuhuli ako ng ilang minuto.
"Nagmamadali ka ba o iniiwas mo ako?" Napalingon ako sa nagsalita. May pagkadismaya sa mukha nito. Damn! Feeling ko tuloy nakokonsensya ako.
Shit! Bakit naman ako makokonsensya?
Ibinulsa ko aNg cellphone ko ng mai-send ko ang mensahe.
"Nakukulitan lang ako sa'yo" saad ko na ikinangiti ng malapad ng lalakeng ito. Ano bang pinagsasabi ko?
"Talaga?" Wika niya. May kislap sa mga mata nito.
"Ewan kk sa'yo" sabi ko nalang at pumasok na sa loob ng seven-eleven.
Nagtinginan pa ang ibang customer sa pagpasok namin. Akala siguro nila ay iri-rade ng lalakeng ito ang tindahang ito o di kaya ay naga-gwapoha sila sa lalaking ito.
Hindi naman sa pagkakaila na may ibubuga rin ang lalakeng ito. Matipuno ang mangagatawan na lalong na sa suot nitong uniporme na halos bakat ang mga muscle nito sa katawan na pwede ng ipambato sa runaway show. Six footer o higit pa doon. Matangos ang ilong, thin pinkish lips at pansin ko ang mga mata nito ay may pagka-green. Parang pale green yung ganun. Siguro may lahi ang isang ito.
"Bakit ba sila nakatingin sa akin?" Halos magsitaasan ang balahibo ko sa batok ng maramdaman ko ang hininga nito.
Tsk!
Nilingon ko siya ng dahan-dahan dahil sa magkalapit ang mga mukha namin at mahinang tinabig ang mukha nito gamit ang isa kong palad. Para kasing may dumadaloy na kuryente sa katawan ko ng magtagpo ang mga mata namin.
"Obviously, dahil diyan sa suot mo. Mukha ka kasing may iri-rade ka ditong kriminal" walang emosyong saad ko sa kanya. At bakit ko ba kinakausap ang isang ito?
Napakamot siya sa batok niya. "Oo nga pala, hindi ko napansin na suot-suot ko pa pala ito hahaha!" Saad niya. "Oo nga naman may kriminal N naman talaga akong iri-rade ngayon. Ikaw." napalingon naman ako sa sinabi niya. "Beacuse you stole my heart that easily" Napatulala lang akk sa kanya. At ilang beses na pakurap-kurap. "Hahaha! Joke lang!" Sabi nito na ikinabadtrip ko. Pota! Akala ko totoo. At ang ikinakainis ko pa ay naniwala ako. Aarrrghh! What the f**k!
Inirapan ko na lang ito. At hindi pinansin ang bilis ng t***k na puso ko.
Nagtingin-tigin na lang ako sa mga stalls dito at naghahanap na pwede kong maging alibi. Naagaw ng pansin ko ang isang tinda nila. Parang tuloy akong naglalaway ng makita ko ito. Buti na lang at naisipan ko na dito ako pumunta at makita itong paborito sa balat ng lupa. Mabilis ko itong nilapitan at kumuha ng limang pack nito.
"Seriously, Nips?" Nilingon ko ang taong iyon.
"Pakealam mo?" Sabi ko at kinuha ang panglimang pack ng Nips.
"Hahaha! Wala lang akala ko kasi mga bata lang ang bumibili niyan, hindi pala"
"So, sa tingin mo bata pa ako? Ganon?"
"No. It's find more cute"
Pinatitigan ko lang siya ng matagal at inirapan. "Ewan ko sa'yo" sabi ko na lang at lumapit sa cashier.
"Bakit ba lagi mo yang binabanggit ang ewan ko sa'yo?" Tanong niya at may kung anong inim-phasize sa mga magkabilang daliri nito sa ere.
"Wala ka ng pake doon" sabi ko nalang at tinuon ang sarili sa cashier na ngayon ay pina-punch yung binili ko.
Narinig ko pa siyang tunawa na ikinairap ko. Baliw.
Lalabas na sana ako ng store ng may mga brasong pumigil sa akin dahilan para lingonin ko ito. "What?!"
"Uhmm...sabayan mo muna akong kumain kahiya kasi, mag-isa lang rito at higit sa lahat pinagtitinginan ako ng mga tao" saad niya na napakamot sa kaliwang kilay nito na animoy nahihiya. "Please?" Dagdag niya na ikinapula ng pisngi ko.
Ito ang kauna-unahang tao na may nagp-please sa akin. Humigit ako ng malalim na hininga. "Fine." Saad ko na ikinangiti naman niya.
Nang makaupo kami ay nag-umpisa na siyang kainin ang binili niyang pagkain. At ako naman ay linapapak ang isang pack na Nips yung may nuts sa loob dahil yung ang paborito ko.
"Pwede ka magtanong ng kahit ano" I blink twice ng magsalita siya.
Hindi ko pala namalayan na nakatitig lang ako ng ilang minuto sa kanya.
"Ano naman ang itatanong ko?" Sabi ko sabay subo sa Nips.
Nagkibit-balikat ito at binalingan ako ng tingin. "Anything? Para naman hindi awkward yung nakatitig ka lang sa kagwapohan ko"
Napasinghap ko. "May pagkamakapal pala ang mukha mo" walang emosyong saad ko rito.
Tumawa naman siya ng mahina at ininom ag tubig niya. "Ganyan talaga ang mga gwapo...makakapal ang mga mukha" sabay tawa.
Napangiwi na lang ako sa kanya. "Ewan ko sa'yo" at binaling ang tingin sa labas.
Siguro wala namang masama na magtanong sa kanya diba? Yung naman ang gusto niya. "Uhmm" Napalingon siya sa aking habang kumakain. "Bakit ganyan ang kulay ng mga mata mo?"
Huminto siya sa pagkain. "Hmm. My Mom was an Irish so, sa kanya ko nakuha ang mga mata ko and my Dad is a Filipino." tumango naman ako may lahi nga siya. "So...." nalipat ang tingin ko sa kanya at napakunot ang noo ko.
"Ikaw saan mo nakuha ang mga mata mo?" Tanong niya.
Sabi ng iba kulay itim ang mga mata ko na kapag daw tinitigan ito ng matagal ay para itong dark blue. "Sa mama ko" tipid kong sabi sa kanya.
Marami kaming pinag-usapan pero ang iba naman ay pawang kasinungalingan. Buong oras ay nag-uusap lang kami. Ang wierd nga dahil napakagaan ng loob kong kausap siya at first time kong makipag daldalan ng matagal. Dahil sa matagal na pakipagdaldalan sa kanya ay naubos ko na ang limang pack ng Nips ng hindi ko namalayan.
At hindi ko na namalayan ang oras. Isang oras din kaming nagdaldalan ng lalakeng ito. Ay kanina pa nagva-vibrate ang cellphone ko.
"Goodnight" sabi niya ng nasa harapan na ako ng gate. Tinanguan ko lang siya at sinarado ko na ito.
Naghintay pa ako sa loob ng ilang minuto bago ko narinig ang pagsara ng pinto ng gate sa kabila. Dahan-dahan ko itong binuksan at sinilip ang kabilang gate ng apartment.
Nang masiguradong nakapasok na si Emman sa apartment niya ay lumabas na ako ng apartment ko at mabilis na naglakad palayo.
Sa wakas ay narating ko na ang destinasyon ko. Bumaba ako sa taxi na sinasakyan ko bago nun ay nagbayad muna ako. Halos tatlompung minuto bago ako makarating sa lugar na ito.
Bago ako pumasok ay tinignan muna ako ng bouncer. Pumasok ako na ako sa loob at nabungaran ko kaagad ang malakas na musika nito at mga usok galing sa mga naninigarilyo sa buong paligid.
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid at hinahanap ang taong hinahanap ko. Nang hindi ko ito makita ay lumapit ako sa bar counter at umupo. Umorder ako a usual kong iniinom at iginala ang paligid. Potek! Nasaan na ba ang kikitain ko.
Nabitin sa ere ang paghahanap ko ng may lalakeng lumapit sa akin. Walang anong emosyong pinapakita ang mukha nito at seryoso lang itong nakatingin sa akin. Napatingala ako dahil may katangkaran din ag isang ito kahit nakaupo na ako.
"If I not mistaken, you are Ella, right?"
Napakunot-noo ako. "Yeah"
"I'm Percy Marcus, I'm not sorry but, Primo will not face with you because of that something... " sabi niya at napangiwi sa huling salitang binanggit nito.
"Why?" s**t! Bakit ngayon lang niya sinabi? Sana ngayon ay nasa kama na ako at mahimbing na natutulog.
"Don't worry I am here to tell you your next mission" sabay upo sa kabilang upuan nito. Hindi niya ako tinapunan ng tingin instead ay sa harap ito natingin na may ngisi sa labi.
Tinignan ko naman ang tinitigan niya na ngayon may babae sa harapan na parang lasing na at hila-hila nito ang lalake na parang may inis sa mukha nito. May isinisigaw ang babae na hindi marinig dahil sa lakas ng tugtog. Pero sa pagkakaalam ko ay gusto nitong sumayaw pero pinipigilan siya ng kasama niya dahilan para magdabog ito at umupo sa sahig.
Pero ang ikinagulat ko ay ang mabilis na pagtayo nito at siniil ng halik ang kasamang lalaki nito na ikinabigla din ng huli.
"Pfftt.." napalingon sa taong katabi ko na ikiningon din niya sa akin.
He cleared his throat and start speaking. "Dr. Ignacio Villanueva, ang sunod mong misyon" wika nito na nakatingin lang sa harapan at tinongga ang whiskey nito. "He killed people for a drug" napakunot ang noo ko.
"He use drugs?" Tanong ko sa kanya.
"No." May inabot ito sa aking folder. Binuksan ko ito at matiim binasa ang impormasyon. "He experiment people for a drug test"
"Bakit?"
"That's is your mission to know and if you finished...killed him" yun lang ang sinabi niya at tumayo na ito at nilapitan ang lalakeng hinalikan ng babae kanina na ngayon ay bagsak na sa kalasingan.
Nalipat ulit ang tingin sa folder ko. Napabuga ako ng hangin at binasa ang ibang impormasyon niya. Marami na itong napatay dahil sa experemento nito at kasama na doon ang isang pitong taong gulang na bata. Napaigting bagang ako. Hindi lang yun isang bata lamang dahil mismong anak niya iyon.
I will end his f*****g life. Katulad ng pagpatay sa walang kamuwang-muwang na anak nito. Ang mga katulad niya ay dapat pinapatay ng katulad din niyang mamamatay tao. And that's me, of course.