Thomas Pov... Tinatawagan ko si Anjo dahil hindi na siya tumawag pa noong araw na huling nakita ko dito sa bahay. Tatlong araw na wala siyang text o tawag sa akin. Siya ang nag - uupdate sa akin tungkol sa opisina ni Andrew. Hindi rin siya sumilip noong birthday ni Miggy. Kahit hindi man siya magpakita ay nagpapadala siya ng regalo pero pangalawang araw na ngayon ay wala pa rin siyang pasabi. Kanina ko pa tinatawagan ang kanyang cellphone pero hindi man lang sinasagot. Nasaan na ba si Anjo? Hindi na namin inusisa si Andrew simula sa tagpong iyon. Ayaw kong magiba ang aking bahay dahil sakanyang umaapoy na galit. Akala ko pa naman nakalimutan na niya dahil limang taon na ang nakakaraan. Hindi ko alam kung paano pagbabatihin ang dalawa na walang masasaktan. Masyadong malalim ang poot sa pu

