Andrew Pov... Hindi porket mag - asawa na kayo ay wala ng date na magaganap. Alam kong gusto niya ang dati naming ginagawa na kahit gabi na ay basta nalang kami umaalis para makapagdate kahit saan. Kapag saan naman inabutan at napagod ay naghahanap nalang ng hotel kung saan pwede matulog ng isang gabi lang. Hindi ko alintana ang anumang pagod makasama ko lamang siya kahit saan pa yan. Siya ang aking lakas kapag ako ay nanghihina. Gustokong bumalik sa Makati para kapag kami ay napagod maraming hotel na pwedeng matuluyan. Ayoko ng bastang inn lang kapag siya ang kasama ko. Para sa akin isa siyang dyamante na dapat kong ingatan. Inantay ko siyang lumabas ng banyo bago kausapin. Bukas naman ay walang pasok kaya pwede kaming gumala ngayong gabi. Humiga muna ko sa kama na nagbabasa habang ina

