Doktora Pov... Kumalap ako ng mga impormasyon tungkol sa pagkatao ni Andrew Lastimoso pero hindi ko aakalain na konti lang pala ang nakuha ng taong binayaran ko ng mahal. Akala ko nakapaghanda ako ng mabuti bago siya puntahan pero isang malaking pagkakamali lang pala. Sisingilin ko rin ng mahal ang gagong yun dahil muntik akong ilibing na buhay ni Andrew. Akala ko doon na ako ililibing sa mismong kinatatayuan ng aking sasakyan. Nanginginig pa ang tuhod kong pumasok sa aking sasakyan para makaalis ng mabilis sa lugar na isusumpa ko sa buong buhay ko at hindi ko na papangarapin na tatapakan kahit pa magpatayo sila ng magandang parke o anuman pa man na magiging tourist location. Tamang ang aking nurse noon na isnag pagkakamali na kinalaban ko siya. Sino ba siya talaga? At anu pa ba ang mga

