Andrew Pov... Hindi ko alam kung bakit galit na galit ako kay Maya. Totoo naman ang sinabi niya. Wala nga naman siyang atraso sa akin pero heto ako mabigat ang loob sakanya. Hindi ko matagalan ang kanyang presensiya. Kaya naman nung makita ko si Miggy sa restaurant kung saan ako may meeting na umiiyak ay umusok ang galit ko sakanya. Paanong mapapadpad si Miggy doon kung hindi niya pinabayaan? Kayat kinarga ko siya hanggang natapos ang aking meeting. Mukhang napagod siya at nakatulog agad kaso nung aalis na ako ay bigla siyang inaapoy ng lagnat. Anu ba ang ginawa nila ni Maya para mapagod ng hustso at lagnatin ang bata tapos nawala pa niya. Paano kung ibang tao na ang nakakuha sakanya at nalamang anak ng Lastimoso. Tamang hinala din ako na nagkakagulo sila sa paghahanap sakanya. Hindi ko

