Andrew Pov... Simula nakita ko si Anjo sa bahay ay umaapoy na ako sa galit lalo na nung tumakbo sakanya si Savannah. Gusto kung hablutin ang anak ko sa kanyang pagkakarga tapos dumagdag pa si Maya. Ang hirap magpigil ng inis at galit lalo kung kaharap mo lang sila. Halos hindi ko malunok ang aking pagkain. Parang mga butil ng malalaking mais na bumabara sa aking lalamunan. Nakahinga ako ng maluwag noong umalis na si Anjo pero si Maya hindi ako tinigilan sa mga panunumbat at pang - iinis niyang pasakalye. Wala akong balak patulan siya pero sobra niyanag nakanti ang aking pananahimik, kaya naman sa ayaw at sa gusto niya kakaladkarin ko nga papunta sa bahay ko. Anu akala niya sa akin walang sariling bahay. "Andrew! Anu ba! Nasasaktan ako!" Pagpumiglas niyang ayaw sumunod sa akin. "Nasasa

