Eda Pov... Hindi sa ayaw kung magpakasal kay Titus. Sino ba naman ang hindi gustong magpakasal sa lalaking mahal mo. Kahit sinong babae ay paghahandaan at gugustuhin na magpakasal sa lalaking nagpapatibok sa kanilang puso pero hindi sa kalagayan ko. Ours is just a mere one sided love. Day off ko ngayon at magkasama kaming muli. Wala naman akong masasabi sa kanyang pag aalaga sa amin ni Tate. Binigay niya ang kanyang oras kay Tate at tuwang tuwa talaga sa aming anak. Ayain ko sanang mamasyal mamayang hapon kaso tumawag si Andrew. Kailangan daw niya si Titus. Sino ba naman ako para komontra. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung anu ba talaga kami. Kahit ayaw niyang umalis ay bumangon pa rin siya para samahan si Andrew. Ang isang halik lang sana ay lumalim. Lumalim na nauwi sa pagkatang

