Eda Pov.. Hindi ko kagustuhan na iwasan si Titus pero kinakain ako ng hiya sa nagawa ko noon. Hindi lang kasi ako nagmukhang p****k kundi nagmukha akong tanga na nagmamakaawa mapansin lang niya. Pupuntahan ko sana si Andrew pero siya ang nakita ko kaya naman lumihis ako ng daan Sino ba naman ang mag - aakala na pupunta siya doon. Hangga't maaari ayaw ko ng magkasalubong pa ang aming landas ngunit mukhang hindi yata ganun ang mangyayari dahil parang mapapadalas pa yata. Kung gusto kong umiwas sa kanya ay kakalimutan ko ang makipagkita sa sinuman sa pamilya ni Andrew na ngayon yata ay magiging pamilya na ni ate Maya! Paano ko iiwasan si Titus na tanging isinisigaw ng aking puso. Nung hinalikan ako ni Titus hindi ko alam kung anu ang gagawin ko parang isa siyang gayuma na lumapat sa aki

