Miggy Pov... Hindi ko inaasahan ang pagsulpot ni Ingrid sa hotel kung saan idinaos ang aking kaarawan. Pinili ni daddy para daw hindi kami masundan ni Ingrid pero mukhang hindi yata umaayon ang tadhana sa amin dahil kung kailan uuwi na kami ay kinaladkad niya ako paalis sa hotel ng walang kahirap - hirap. Kung nagkataon lang na malaki ako hindi niya ako mahahawakan. Nakailang lipat sila sa akin. Noong una sa isang hotel ako pinatira at pinapakain ng maayos ngunit ang lalaking kahalikan at palagi niyang kasama ay palaging paiba - iba ang mood. Madalas siyang naiinis at nagagalit ng wala namang dahilan. Wala akong nakitang araw na hindi siya nainis, nagalit at sinisigawan ang kausap niya sa telepono. Si Ingrid ang nagpapakalma sa kanya sa pamamgitang ng kanilang malaswang harutan. Kulang

