Anjo Pov... Masaya akong matutuldukan ang hindi pagkakaunawaan sana sa pagitan namin ni Andrew pero hindi ko inaasahan ang pagbabalik ni Ingrid. Kahit ako nabwisit pagkakitang muli sa sakanya! Bakit ba siya bumalik? Ayaw ko sanang makialam pero hindi ko kinaya ang umiinit na tensyon. Ramdam ko ang galit na umaalingawngaw sa kanyang balat ganun din ang kaba ni Maya. Kahit gusto kong masaksihan ang kasal nina Maya at Andrew ay kinailangan kong umalis kasama ni Ingrid. Alam kong pinagduduhan nanaman ako ni Andrew pero wala na akong magagawa doon. Galit kaong kinaladkad si Ingrid palabas ng simbahan. Naririnig ko ang mga bulungan ng mga tao pero wala akong oras para sagutin yun. Kailangan ko munang ilayo siya sa simbahan. Dumeretso ako sa aking sasakyan at tumigil sa malapit na par

