Titus Pov... I'm glad Maya and Andrew wins the lawsuit. Pagkatapos nga naman ng paghihirap ni Maya kay Miggy basta nalang kukunin ni Ingrid ng walang kahirap - hirap. Aba! Hindi pwede! Iniwanan niya noong kailangan siya pero bakit bigla nalang kasi siya bumalik. Para saan ba talaga ang kanyang pagbabalik? Pakiramdam ko may malalim pa siyang dahilan bukod sa sinasabi niyang may taning na ang buhay niya. Anuman ang dahilan niya ngayon ay malalaman din yan basta ang importante ngayon ay may katahimikan na ang kanilang buhay. Matatahimik na rin si Miggy. Siguro naman tanggap na ni Ingrid ang katotohanan na hindi bagay si Miggy na basta nalang babalikan kapag gusto at iwanan kapag hindi na kailangan. Kaarawan ngayon ni Miggy at pinili nila sa labas i-celebrate para daw naman maiba ang ambia

