Camilla's POV "Just don't leave my son." Napabalikwas kaagad ako sa aking hinihigaan nang maalala ko na naman ang sinabi sa akin ng ina ni Gael nong nagkita kami. It's been several days since the last time that happened. Napabuga kaagad ako ng hangin matapos kong mapasuklay sa aking buhok, at pagkatapos ng ilang segundo ay sakto ring tumunog ang aking cellphone sa gilid. I received a text message from Dion. Dion: I'll be there in an hour, baby. Kaagad na nanlaki ang aking mga mata sa gulat atsaka mabilis na umalis sa aking hinihigaan. Nakatulog ako kanina sa sobrang dami kong iniisip tungkol sa annulment at ina ni Gael. At dahil nangyari 'yon, andon na naman ang pagdadalawang-isip ko. "Just don't leave my son." Kung hindi ko iiwan ang anak mo, tita, ako naman ang mauubos...

