Akira "Zai...?" Paos kong tawag kay Zion na nagisnan kong nakaupo sa tabi ko at waring may pinagmamasdan sa bandang ibabang bahagi ng katawan ko. "Zion? Babe?" Mas linakasan ko ang ginawabkong pagtawag sa kanya dahilan para mapalingon na sya sa akin. Nanlalaki ang kanyang mga mata at namumutla ang kanyang mga pisngi. Waring natatakot. Nang makita ko ito ay kaagad akong bumangon at sinaklolohan sya. "What's wrong?" Nag-aalala kong tanong sa kanya. Inakbayan ko sya at inilapit sa katawan ko upang yakapin at protektahan sa kung anumang kinatatakutan nya. Nakita ko ang paglunok nya ng ilang beses na waring tuyung-tuyo ang lalamunan nya. "A--kira..." mahina nyang sabi. "Ano yun, Zai?" Worried ko pa ring tanong. "May b--bad spirit ka..." "Ha...?!" Napalayo ako sa kanya habang dikit ang

