-------- ***Elara’s POV*** - Unang beses kong ipinasyal si Haidee sa mall ngayon. Ito ang nag-iisang mall dito sa San Miguel, at masasabi kong malaki rin ito kumpara sa mga karaniwang establisyemento sa bayan. Limang buwan pa lamang si Haidee, ngunit ramdam ko na agad ang pagkakuryoso niya sa paligid. Pagbaba pa lang namin ng tricycle, agad na gumalaw-galaw ang maliit niyang ulo, palingon-lingon sa mga dumaraan, habang mahigpit ko siyang hawak sa aking bisig. “Ang daming ilaw, anak, ano?” bulong ko habang napapangiti. “Alam kong kuryoso ang munting isip mo. Ngayon mo lang nakikita ang ilan sa mga bagay na ‘to. Talagang malaki ang mundo, anak. Balang araw, marami pa akong magagandang ipapakita sa’yo.” Nakasuot siya ng maliit na pink na dress na may burdang bulaklak, at may kaparehong h

