-=Lyal's Point of View=- Tulala lang ako habang nakikinig sa sinasabi ni Brian, kitang kita ko ang pag-ismid sa mukha nito kapag napapatingin sa akin, hindi ko akalain na magagawa pala ni Brian ang ganitong bagay para lang manalo, bigla ko tuloy naalala ang parang taong nakita ko noong Lunes sa labas ng bahay, nawala na din kasi sa isip ko na kunin ang susi dito nang iwanan ako ng hinayupak na lalaking ito. Nagpatuloy ang pagdidiscuss nito nang kanyang "proposal" and I can see that all are impress sa pinakikitang proposal ni Brian, well almost all maliban kay Luisa na gulat na gulat pa din sa mga nangyayari dahil alam ni Luisa na akin ang proposal na iyon kaya naman pala gusto niyang mauna dahil kapag ako ang nauna ay mahihirapan siyang ipaliwanag kung bakit pareho kami ng proposal. Lu

