-=Lyal's Point of View=- "Are you sure na gusto mo pa ding paiklian ang buhok mo Lyal?" narinig kong tanong sa akin ni Samantha habang nakaupo ako sa upuan sa parlor ni Mamu. Humigit kumulang tatlong buwan na din nang magdecide akong magdamit panglalaki at iwanan ang pagiging crossdresser ko ng dahil sa kagustuhan kong makapag higanti kay Brian sa ginawa nitong pangloloko sa akin, at sa totoo lang nakamit ko ang bagay na iyon pero sa totoo lang habang nagtatrabaho ako sa Park Enterprises Holdings ay nawala na sa akin ang kagustuhan kong makapag higanti kay Brian, yes naungusan ko na siya sa maraming bagay dahil matapos ang una kong tagumpay ng mapili ang proposal ko ay halos naging sunod sunod na ang pagkakapili sa mga gawa ko and it brought me with so much satisfaction na para bang ang

