-=Lyal's Point of View=- "Ano ba naman yan Lyal, umuwi ka naman." ang narinig kong sinabi sa akin ng kasamahan kong si Kenji, sa totoo lang hindi ko namalayan na uwian na pala dahil ang focus ko ay sa ginagawa ko, saka ko lang napansin na wala na din pala si Brian na malamang sa malamang ay umuwi na din. "Sige mauna ka na Kenji, tatapusin ko na muna ito." ang nakangiti kong sinabi dito, hindi na din ito nangulit at agad na itong umalis. Nagpatuloy naman ako sa ginagawa ko para sa magiging proposal ko, malakas ang pakiramdam ko na ang gawa ko ang mapipili kaya naman binuhos ko ang lahat ng isip at pagod ko sa ginagawa ko, unang beses kong mapapatunayan ang sarili ko sa kumpanyang ito and I tend to show them na hindi sila nagkamali na kuhanin ako. Mga mag aalas ocho na ng gabi ng magdeci

