Tahimik at walang nagsasalita sa pagitan nina Silver at Xenon habang panay ang hithit at buga nila sa kani-kanilang sigarilyo. Ngayong nagbalik na ang alaala ni Xenon panahon na siguro upang sabihin niya, ang bagay na matagal na niyang ini-ingatan. Dahil alam niyang pati ang mga ito ay nasasabik na rin sa bagay na kaniyang ini-ingatan. Samantalang si Silver naman ay nananatiling lamang tahimik at para bang naghihintay lamang ito sa kung anong sasabihin dito ni Xenon. Hanggang si Silver na mismo ang bumasag sa katahimikang bumabalot sa pagitan nilang magkaibigan. “Ngayong nagbalik ka na may maganda akong balita sa iyo,” may mala-demonyong ngisi na saad ni Silver sa kaibigan. “Tsk! Siguraduhin mo lang na matutuwa talaga ako sa ibabalita mo,” kaagad namang tugon ni Xenon sa kaibigan n

