Kabanata II - Pangamba

3005 Words
Nag-aagaw ang dilim at ang liwanag ng mabilis na naglakad si Aurora patungo sa kanilang mansyon. Bagamat malapit na siya sa kanilang mansyon ay hindi niya maiwasan ang mangamba. Sapagkat kanina pa rin niyang napapansin na may misteryosong tao na sumusunod sa kaniya. Dahilan upang mas kabahan pa siya sapagkat natatakot siya na baka may gawin itong masama laban sa kaniya. Bukod dito, nangangamba rin ang dalaga na baka madamay ang pamilya niya at masaktan ang mga ito dahil lamang sa kagagawan niya. Kaya naman hindi maiwasan ng dalaga na sisihin ang sarili sapagkat kung hindi dahil sa kaniya hindi sana madadamay ang pinakamamahal niyang pamilya. Bagamat hindi niya alam kung ano ang totoong pakay ng mga ito sa kaniya hindi maalis sa kaniya ang pagkabahala na baka hindi lamang siya ang saktan ng mga ito. Dahil hindi niya matatanggap kung pati ang pamilya niya ay idadamay pa ng mga ito.   “Aurora, anak may problema ba? Bakit namumutla kaya yata may masama bang nangyari?” Nag-aalalang tanong ng ina ni Aurora.   “Ina, nandiyan na sila. Kukunin na nila ako sa inyo,” natatakot namang sambitla ng dalagang si Aurora sa kaniyang ina.   Bakas ang pagkagulat sa mata nang kaniyang ina, ngunit kaagad din iyong nawala at marahan na hinaplos ang kaniyang magandang mukha. Sa paraan pa lamang ng paghaplos ng ina ni Aurora tila nagpapahiwatig ito na kahit anong mangyari ay palagi lamang silang nasa piling ng anak nilang si Aurora. Ngunit kahit ganoon hindi pa rin maaalis sa ina ni Aurora na hindi mag-alala para sa kaligtasan ng anak nilang dalaga.   “Palagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin anak,” malambing na pahayag ng ina ni Aurora habang patuloy pa rin ito sa paghaplos sa magandang mukha ng anak nilang si Aurora.   Dahil sa sinabi ng ina pakiramdam ni Aurora na ligtas na siya sa kapahamakan. Kung kaya’t kahit na nangangamba pa rin siya ay naging lagay ang loob niya dahil nasa piling niya ang kaniyang ina na handang umalalay sa kaniya kahit na anong mangyari.   Kasabay nito ay ang mabilis namang naimulat ni Aurora ang kaniyang mata dahil sa naging panaginip niya. Hanggang sa hindi niya namamalayan na tila isang ulan na walang tigil sa pagbuhos ang kaniyang mga luha. Bukod dito, sobrang sikip ng dibdib niya sapagkat muli na naman niyang naalala ang kaniyang ina at ama. Tila ba nagising na lamang sa katotohanan ang dalaga na kahit anong gawin niya tanging sa panaginip na lamang niya muling makakasama ang kaniyang pamilya. Panaginip na hinihiling niya na sana ay huwag ng matapos pa sapagkat sa panaginip na lamang niya muling nakakapiling ang pinakamamahal niyang pamilya.   Gusto man niyang hanapin ang mga ito pero hindi niya alam kung saan siya magsisimula. Bukod dito, sumagi rin sa isip ng dalaga na maaaring wala na ang pamilya niya. Kaya naman mas lalo siyang nalulungkot kapag sumasagi sa isip niya ang bagay na ‘yon. Bagay na hinihiling niya na huwag sanang mangyari sapagkat alam niya sa kaniyang sarili na hindi niya kakayanin ang sakit na magiging dulot nito. Hindi niya rin maalaala kung paanong napunta siya sa lugar na iyon. Sapagkat ang huli niyang naaalaala ay masaya siyang kumakain sa hapagkainan kasama ang kaniyang mga magulang at nakatatandang kapatid. Hindi rin niya lubos maisip na may taong magtatangka sa kaniyang buhay sapagkat alam niya sa kaniyang sarili na wala siyang tinatapakan na tao.   Tila ba pakiramdam niya ay nasa isa siyang lugar na ngayon lamang niya napuntahan. Kaya naman hindi niya maiwasan na mangamba sapagkat nasa lugar siya na hindi niya alam kung paano siya makikibagay sa mga ito. Ang mga matatayog na istraktura ang kaniyang nasisilayan sa bintana ng kwarto ni Xenon na kung dati naman ay hindi niya nakikita. Para bang lahat ng nakikita niya ay bago sa kaniyang paningin kaya naman hindi maiwasan minsan ng dalaga na ihalintulad ang sarili niya sa isang bata na wala pang kamuwang-muwang sa mundo. Nais man niyang umalis ngunit nangangamba siya na baka magalit sa kaniya si Xenon. Nangangamba rin siya na baka isipin ni Xenon na wala siyang utang na loob dito kung bigla na lamang siyang aalis ng walang paalam. Naguguluhan man ay hindi niya maiwasang malungkot sapagkat tila isang kisapmata na nawala ang kanilang mansyon. Ang mansyon na minsan ng nabalot ng saya habang kapiling pa niya ang kaniyang pamilya. Habang ang malawak na lupain na kanilang pag-aari ay isa-isa ng tinatayuan ng iba’t ibang istraktura. Sa hindi malamang dahilan tila ba bigla na lamang nawala ang lahat kay Aurora.  Habang sa opisina naman ni Xenon ay tila walang kapaguran sa kasasalita ang kaibigan nitong si Silver. Kaya naman hindi maiwasan ni Xenon na mapatigil sa ginagawa nito upang pakinggan ang sinasabi ng kaibigan nitong si Silver. Marahil ay naguguluhan ang kaibigan nito sapagkat kilala si Xenon ng lahat na walang pinapansin na babae. Kaya naman hindi maiwasan ng ibang kababaihan na maglungkot ng malaman ng mga itong may babae ng kinakasama ang kinababaliwan nilang lalake.  Nakatatawa mang isipin ngunit daig pa ni Xenon ang artista dahil lamang sa bali-balita dito tungkol sa babae nitong kinakasama ngayon. Dahil para sa mga ito isang himala na kapag may babaeng napansin o natipuhan ang isang Xenon Caasi na nababalitang may pagka-misteyosong lalake.   “Dude naman akala ko ba ayaw mo sa mga babae?” Hindi makapaniwalang pahayag ni Silver kay Xenon.   Siya si Silver Dimayuga ang dakila at tapat na kaibigan ni Xenon. Kagaya ni Xenon ay parehas lamang sila ng edad at masasabing may angking kagwapuhan din si Silver. Ang maputi nitong balat na siyang kinagigiliwan ng mga kababaihan, habang ang mamula-mula naman nitong labi na labis na pinapapantasyahan ng karamihan sa mga babae. Isama mo pa ang katamtamang tangos ng ilong nito na bumagay sa gwapo nitong mukha. Hindi rin mapagkakaila ang matindi nitong tindig na sa unang tingin mo pa lang ay alam mong may tinatago itong matitigas na abs sa may bandang tiyan nito.   Mayroon din itong negosyo at masasabing sikat na sikat ang hotel na pagmamay-ari nito na kahit mga artista ay dinarayo pa ito dahil sa ganda ng kalidad ng pagmamay-ari nitong hotel. Hindi kagaya ni Xenon si Silver ay masasabi na mahilig sa babae ‘yon tipong kapag pasok sa panlasa nito ay walang pagdadalawang-isip nitong papatulan ang babaeng lumalandi rito.. Sapagkat tila ba nagpapalit lamang ito nang damit sa dami ng nagiging babae nito. Kung minsan pa nga hindi na nito kailangan pang maghanap ng babae sapagkat ang babae na mismo ang lumalapit at naaakit sa taglay na kagwapuhan ng isang Silver Dimayuga. Ngunit kahit na gaano pa karaming babae ang mahumaling sa binata kahit isa ay wala pa itong sineryoso. 'Yon tipong kapag may naka-date itong babae ay hanggang doon na lamang sapagkat hindi na muli itong mauulit pa. Minsan pa nga ay nagkakandalito na sa pangalan si Silver sa sobrang dami nitong babae na siyang dahilan kung bakit nagagalit dito ang ibang kababaihan. Ngunit para kay Silver wala itong pakialam sa mga babae kung magalit man ang mga ito.   Sa lahat ng dumaan na tao sa buhay ni Xenon tanging si Silver lamang ang naging matapat dito. Kaya ganoon na lamang ang pasasalamat nito sa kaibigan na si Silver. Sapagkat alam ni Xenon na kahit anong mangyaring problema alam nitong nakaagapay lamang dito ang kaibigan nitong si Silver. Dahil lingid sa alam ng nakararami may sekreto ring tinatago ang pinagpapantasyahan nilang si Silver.   “Tsk! Baka nakakalimutan mong may puso ako kahit papaano. Inaamin ko na ayaw ko sa mga babae pero hindi ibig sabihin noon ay matigas ang puso ko.” Seryong pahayag naman ni Xenon sa kaibigan nitong si Silver na tila ba hindi pa rin makapaniwala sa desisyon ng kaibigan nitong si Xenon.   “Alam ko naman ‘yon dude, ang akin lang paano kung madamay siya?” May pag-aalala namang tugon ni Silver sa kaibigan nitong si Xenon na tila ba hindi man lang nababahala sa kung anong mangyayari sa ginawa nitong desisyon.   Ngunit sa sinabing iyon ni Silver tila natahimik ito saglit sapagkat alam nitong mapanganib para kay Aurora ang manatili sa tabi nito. Pero sa hindi malamang dahilan tila ba may bumubulong sa tenga ng binata na kailangan nitong protektahan ang babae. Dahil malakas ang kutob nito na maaaring may kinalaman si Aurora sa matagal na nitong pinaka-iingatan. Kaya naman hindi na nagtataka ang binatang si Xenon kung bakit marami itong kaaway sapagkat alam nitong may kinalaman dito ang bagay na matagal na nitong iniingatan.   “Hindi siya madadamay dahil sisiguraduhin ko na babantayan ko siya.” Puno ang tiwala muling pahayag ni Xenon sa kaibigan nitong si Silver.   “Ikaw na talaga dude, basta kapag kailangan mo ng tulong isang tawag mo lang dadating kaagad ako.”   Sa sinabi ng kaibigan nito isang lihim na ngiti ang sumilay sa labi ng binatang si Xenon. Sapagkat alam nitong maasahan sa lahat ng oras ang kaibigan nitong si Silver. 'Yon tipong parang isang pamilya na ang turing nila sa isa't isa. Kaya naman hindi na nangangamba si Xenon para sa kaligtasan ni Aurora sapagkat alam nitong kapag may masamang nangyari sa sarili si Silver na ang bahala sa kapakanan ng dalaga. Nang makaalis ang kaibigan kaagad itong bumalik sa trabaho habang hinihintay ng binata si Aurora sa opisina nito. Naisip nito na baka mainip ang dalaga sa unit nito kaya pinasundo ito ng binata sa mga tauhan nito. Habang abala sa pagpirma ng papeles ang binatang si Xenon isang hindi kaaya-ayang bisita ang pumasok sa opisina nito. Doon pa lang alam na kaagad ng binata na sira na kaagad ang araw nito dahil sa babaeng kapapasok lamang sa opisina nito.   “What are you doing here? Ang kapal naman ng mukha mong pumasok sa opisina ko ng walang paalam.” Mahinahong pahayag ng binata sa kapapasok lang na dalaga ngunit mapapansin ang diin sa pananalita ni Xenon.   Sa pananalita pa lang ni Xenon mahahalata mo na kaagad na hindi ito natutuwa sa dalagang pumasok na lamang basta ng walang paalam sa opisina nito. Sa hitsura pa lang ng paraan ng pagpasok ng kararating lang na babae tila ba piling nito ay pagmamay-ari nito ang opisina ng binatang si Xenon. Isama mo pa ang kakaibang ngiti na nakapaskil sa labi ng dalaga. Doon pa lang alam na kaagad ng binata na may ibang pina-plano na naman ang dalagang nasa harapan nito.   “Hahaha! Bakit pa? Balang araw magiging boss din naman nila ako kapag kinasal na tayo.” Puno ng kompyansa namang sambitla ng babaeng kararating lamang sa opisina ni Xenon. Sa paraan pa lang ng pananalita ng dalagang kapapasok lang sa opisina ni Xenon para bang siguradong-sigurado na ito na makakasal silang dalawa ng binata. Para bang ang dalaga na rin ang nasunod sa desisyon ni Xenon na kahit sa totoo naman ay walang balak ang binata na pakalasan ang dalagang nasa harapan nito.   “Itigil muna ang kahibangan mo Veronica dahil wala akong balak pakasalan ang katulad mong mukhang pera.” Tila nababagot namang sagot ni Xenon sa kaharap nitong dalaga. Habang patuloy lamang ang binata sa ginagawa nitong pagpirma sa papeles na nasa harapan nito. Para bang wala itong pakialam kung nasa harapan man nito ang dalaga na kaunti na lamang ay sasabog na sa galit. Pero para kay Xenon wala itong pakialam kung magalit man ang dalaga rito sapagkat mas gugustuhin pa ng binata na ipagpatuloy ang ginagawa nitong trabahao.   Kung pagmamasdan si Veronica Medina ay tila isa itong anghel sa amo ng mukha nito, nasa edad itong dalawampu’t limang taong gulang. Ngunit sa kabila ng maamo nitong mukha ay may demonyong nagtatago sa katauhan nito. Sa madaling salita kung anong ganda ng hitsura nito ay kabaliktaran ng puso nitong tila nilalamon ng kasamaan. Kilala rin ito bilang isang modelo at talaga namang maraming humahanga sa dalaga na mga kalalakihan. Kung minsan pa ay sunod-sunod ang manliligaw ng dalaga ngunit kahit anong dami ng manliligaw nito tila ba walang pakialam ang dalaga sa mga ito.   Maliban na lang kay Xenon sapagkat alam nito ang totoong motibo ng babae at iyon ay ang pera nito. Kaya naman kahit anong pagpapansin ang gawin ng dalaga kay Xenon ay dedma lamang palagi rito ang binata. Dahil sa mata ni Xenon ang dalagang si Veronica ay pawang isang ordinaryo lamang na babae na kapag pera na ang usapan ay nagiging gahaman na ito. Minsan pa ngang nabalita ang dalaga na nagpapasarap lamang ito sa pera ng mga nanliligaw nito pero kahit isa ay wala man lang sinagot ang dalaga sa mga ito. Ngunit kahit na ganoon ang nangyari tila ba walang pakialam ang dalaga tungkol sa bali-balita rito sa halip patuloy lamang itong nagpapalunod sa pera. Ngayon naman ay tila ang binatang si Xenon naman ang gusto nitong biktimahin.   Dahil sa inis ni Veronica isang malakas na sampal ang iginawad nito sa makinis na mukha ni Xenon. Dahilan para mandilim ang paningin ni Xenon at tila isang kisapmata na sakal-sakal na nito ngayon ang babae. Sa paraan pa lamang ng pagkakasakal ng binata kay Veronica mapapansin mong tila gustong-gusto na nitong patayin ang babaeng nasa harap nito.   “B-Bitiwan mo ako,” nahihirapang saad ni Veronica kay Xenon.   “Sa susunod na sasampalin mo ako siguraduhin mo munang kaya mong lumaban!” nakatiim ang bagang na saad ng binata sa dalagang si Veronica.   Sa galit ni Xenon pabalya nitong binitawan si Veronica dahilan para mapatama ito sa lamesa dahilan upang mapa-igik sa sakit ang dalaga. Kasabay nito ay ang pagkatok ng tao sa labas ng opisina ng binatang si Xenon. Bago pa muling mandilim ang paningin ng binata kaagad nitong pinagtulakan palabas ng opisina ang lumuluhang si Veronica na tila ba hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Wala namang pakialam ang binata kung marami man ang nakakita sa lumuluhang si Veronica. Sapagkat alam ng binata sa sarili na wala itong masamang ginagawa sa babae. Bukod dito, sanay na rin ang ilang empleyado ng binata sa nangyari sa dalaga sapagkat ganoon naman lagi ang kalababasan tuwing pumupunta sa opisina ng binata si Veronica. Ang kaibahan lang ngayon ay hindi na nakapagpigil ng galit ang binata kaya nasaktan na nito ang dalagang si Veronica. Hanggang sa bumungad sa paningin ng binata ang nakasimangot na si Aurora habang nakaupo sa isang malambot na sofa. Hindi alam ng binata kung maiinis ba ito o hindi sapagkat tanging itim na t-shirt at boxer shorts lamang ang suot ng dalagang si Aurora. Sa mga oras din na iyon gusto na namang sumabog sa galit ng binatang si Xenon dahil sa ayos ng dalagang si Aurora. Dahil nakikita ng binata kung paano na lamang pagnasahan ng mga empleyado nitong lalaki ang inosenteng si Aurora.   “Tsk! Come here Aurora stop pouting your lips.”   Bagamat bahagyang masungit ang pahayag ni Xenon hindi naman nawala sa tono ng binata ang lambing ng pananalita nito sa dalagang si Aurora. Wala namang sinayang na oras ang dalaga at kaagad siyang lumapit sa gawi ng binatang si Xenon.   “Hindi mo ba alam na natakot ako kanina. Akala ko kasi nalaman na nila kung nasaan ako?” naka-busangot pa ring tugon ng dalaga sa kaharap niyang lalaki.   Nang malaman niyang tauhan pala ni Xenon ang sumundo sa kaniya kaagad na nakahinga ng maluwag ang dalaga. Sapagkat noong una ay inaakala na niyang natunton na siya ng mga taong matagal ng naghahanap sa kaniya. Bagamat naguluhan ang binata sa sinabi ni Aurora hindi na lamang niya ito masyadong pinansin pa.   “I’m sorry okay. Pinasundo kita dahil baka naiinip ka na sa unit ko.”   Tila ba sila lamang ang tao habang nag-uusap. Sapagkat hindi man lang ininda ni Aurora ang mga empleyadong nakatitig sa kanila ni Xenon. Para bang sa oras na ‘yon pakiramdam ng dalaga na sila lamang dalawa ni Xenon ang tao sa paligid na kahit anong bulong-bulungan ang naririnig niya ay tila balewala na lamang sa kaniya ang mga ito.   “Pinapatawad na kita. Maaari ko bang itanong kung sa ‘yo ang istrakturang ito?” nahihiyang tanong ni Aurora sa nakangising si Xenon.   “Yes. Kaya bago pa ako mandukot ng mata ay pumasok na muna tayo sa opisina ko.”   Dahil sa sinabi ni Xenon hindi maiwasan ng dalaga na mapakunot ng noo sapagkat hindi niya ganoong naintindihan ang sinabi sa kaniya ng binatang si Xenon. Bukod dito, nagtataka rin ang dalaga kung bakit gusto ni Xenon na mandukot ng mata gayong wala naman itong kaaway. Ngunit hindi nakaligtas sa paningin ng dalaga ang babaeng lumuluha na galing kanina sa loob ng opisina ni Silver. Lubos din siyang nagtaka kung bakit ganoon na lamang kasamang tumingin sa kaniya ang babae. Sa halip na pansisin pa ito ni Aurora kibit balikat na lamang siyang sumunod kay Xenon.   Nang makapasok sila sa opisina ni Xenon parang bata na palibot-libot si Aurora sa loob ng opisina nito. Tila ba manghang-mangha ito sa kaniyang nakikita. Sa hindi malamang dahilan natagpuan na lamang ni Xenon na may nakapaskil na palang ngiti sa mga labi nito. Habang matiim nitong pinagmamasdan ang aliw na aliw na dalaga na para bang ngayon lamang ito nakalabas ng bahay nila. Pumasok din sa isip ni Xenon na marahil ay hindi isang espiya si Aurora, sapagkat tila ba wala siyang kaalam-alam sa paligid. Kaagad na nalukot ang noo ni Xenon ng mapagtantong wala ni isang damit na pambabae na maaaring maisuot ng dalaga. Habang aliw na aliw ang dalaga kaagad na inutusan ni Xenon ang sekretarya nito na bumili ng pagkain nilang dalawa ni Aurora. Inutusan na rin nito ang sekretarya na bumili ng mga damit na kakailangan ni Aurora. Bagamat misteryoso para sa binatang si Xenon kung saan nagmula ang babae minabuti na lamang nitong tulungan na muna ang dalagang si Aurora. Habang wala namang paglagyan ang tuwang nararamdaman ni Aurora ng makita niya ang loob ng opisina ni Xenon. Sapagkat hindi niya lubos na maisip na ganoon na lamang kaganda ang disenyo ng loob ng opisina ni Xenon. Isama mo pa ang mga gamit dito na kaagad na nahalata ng dalaga na mamahalin ang mga ito. Kaya naman hindi maalis sa isipan ni Aurora kung gaano ba kayaman ang binata sapagkat napansin niya na halos lahat ng gamit sa loob ng opisina ni Xenon ay hindi maitatangging mahal ang presyo ng mga ito. Samantalang nasiyahan na lamang ang binata sa pagtingin sa dalagang si Aurora na tuwang-tuwang pa rin sa mga nakikita niya sa loob ng opisina ng binata.   “Malalaman ko rin kung sino ka ba talaga Aurora Asuncion,” mahinang pahayag ni Xenon sa sarili habang nakatanaw sa gawi ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD