Rain’s POV Lumipas ang napakabilis na dalawang buwan, nakabisado ko na ang lahat ng eksena sa pagiging secretary ko sa kaniya. Nakakapagod, nakaka-challenge, pero may natutunan ako, araw-araw. Naging kasundo ko na rin ang computer at files dito sa opisina sa Montano Corp. Pero sa vice president dito? Never mind na lang. "’Di bale self, isang buwan na lang. Matatapos mo na rin ito at makakatayo na rin ang hotel ng wala siya." Bulong ko sa sarili habang humihigop ng aking kape dito sa labas ng office ni Rumir. Ilang sigundo, parang napaso ang buong dila ko! B-bumisita si Tina! "Hi! You must be Rain, right?” Hindi muna ako nakapagsalita kaagad. "Is Rumir inside?" "Y-yes m-ma’am." "I'm Tina by the way. Nice to meet you!" masayang bati niya at pumasok na sa opisina ni Rumir. Hi

