Rain’s POV “Hi mom, dad. I miss -- I miss both of you so much, so so much.” Tumulo ang mga luha ko, kaharap ang puntod ng aking mga magulang. Ika-twenty sixth death anniversary nila ngayon kaya narito ako sa Loyola Memorial Park, kung saan nakahimlay ang mommy at daddy. Isang taon pa lamang ako noong namatay sila, noong tuluyang iniwan na nila ako sa mundo mag-isa. Kwento sa akin ni lolo dad, anniversary nila mommy at daddy noon. Isasama nga sana nila ako pero nagdalawang isip si mommy. Magiging busy raw kasi sila roon dahil sa kanilang business meeting, lalo na sa branching ng hotel kaya minabuting iwan na lang muna ako kay lolo dad. Sa susunod na pagkakataon na lang daw ako isasama, kung saan maluwag na ang schedule at mas ma-e-enjoy na namin ang gala together. Sa kasamaang palad, b

