Lexter’s POV Pagdating na pagdating namin sa room twenty two dala ang mga masasarap na pagkain at inumin, hindi pa rin makapaniwala ni Shasha na humihinga at buhay pa ang kaibigan niyang si Rain. “Shasha!” si Rain na ang mismong lumapit at yumakap sa kaniya dahil naging bato na naman siya sa kaniyang kinalalagyan. “K-kumusta ka, R-Rain?” “Ito, okay naman at galos na lang ang pinagagaling ko.” “M-mabuti naman kung -- ganoon.” “S-si Rumir. K-kumusta na ang kalagayan -- niya?” “Pinatulog na siya ulit ng doctor. Pero don’t worry, magigising din siya kaagad mamaya maya lang. Grabe kasi ang ginawa sa paa niya kaya pinainom siya ng sleeping pills. Pinainom siya para hindi niya maramdaman ang pain.” “I-I see.” Nakakailang naman ‘to si Shasha. Noong nakaraan ay naglulumpasay siya makita la

