Allen’s POV Dalawang araw na ang lumipas mula noong aksidente, hindi pa rin nakikita ang katawan ni Rain. Ni bahid ng dugo, ni mga bakas niya, kahit anong evidence, wala talaga. Para lang siyang naglaho ng parang isang bula. “O paano mga iho, aalis na muna ako dahil tanghali na. Kailangan ko munang samahan si Helena sa bahay. Alam niyo naman, ayoko na muna siyang padalawin dito dahil baka mamaya, mahimatay na naman siya.” “Sige po tito.” Saad ni Chris sa kaniya. “Ay nga pala. Ikaw Chris kumain ka ng tama ha at magbitamina ka rin. Nagulat talaga ako noong nakaraan eh, nahihimatay ka rin pala. Akala ko si Helena at Shasha lang eh.” Ngumiti lang si Chris at lumabas na ang kausap sa pinto. Kaming tatlo na lang ang nagbabantay kay Rumir sa pagkakataong ’to. Sabi ng doctor ay after forty ei

